Tuloy na tuloy na! Julia, Loisa, Heaven at Barbie magsasama sa isang teleserye




Public Domain Image
  • Magsasama sa isang Kapamilya teleserye sina Julia Barretto, Loisa Andalio, Heaven Peralejo, at Barbie Imperial
  • May working title itong “Cara Y Cruz” at ang mga leading men ay sina Ronnie Alonte, Marco Gumabao, at Tony Labrusca
  • Magsisimula na umano ang kanilang taping ngayong Agosto

Sa kauna-unahang pagkakataon, magsasama-sama sa isang teleserye sina Julia Barretto, Loisa Andalio, Heaven Peralejo, at Barbie Imperial sa isang Kapamilya teleserye na may working title na “Cara Y Cruz” kasama ang kanilang mga leading men na sina Ronnie Alonte, Marco Gumabao, at Tony Labrusca.

Nagsimula ang mga pag-uusap hinggil sa proyekto noong Pebrero 2020, subalit napasailalim ang Metro Manila sa enhanced community quarantine o ECQ dulot ng paglaganap ng COVID-19. Bukod pa sa pandemya, naapektuhan din ito sa isyu ng pagbasura ng Kamara sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Public Domain Image

Subalit kahit na hindi pinayagan ang free TV broadcasting ng network, inilunsad nila ang “Kapamilya Channel” kung saan ipinalalabas ang kanilang mga programa sa pamamagitan ng cable at satellite TV, bukod pa sa pagkakaroon din ng “Kapamilya Online Live” at online streaming gaya ng “iWant.” Kaya kahit ganito ang sitwasyon, mukhang matutuloy na rin ang taping para sa Cara Y Cruz.

Sa isang online show na pinamagatang “We Rise Together” noong Hulyo 29, ibinalita ni Julia na magsisimula na ang kanilang taping sa Agosto 2020.

“Sana umere na po para mayroon kayong abangan sa ating Kapamilya Channel. So let’s keep praying for good things lang. Kapit lang, kapit lang tayo,” ani Julia.

Ito na ang ikalawang pagtatambal nina Julia at Tony matapos ang matagumpay na “iWant original series” na “I Am U.” Sanay naman na ang publiko sa pagtatambal nina Loisa at Ronnie na real-life couple.

Ang Cara Y Cruz ay ipo-produce ng RGE Drama Unit. Si Direk Ruel Santos Bayani naman ang head ng ABS-CBN’s scripted format, ang narrative department ng network.

Public Domain Image

Bukod sa naturang teleserye, mauunang i-ere sa Kapamilya Channel ang “Ang Sa Iyo Ay Akin” na unang pagsasama-sama sa isang bigating teleserye nina Jodi Sta. Maria, Iza Calzado, Sam Milby, at Diamond Star Maricel Soriano, na huling napanood naman sa teleseryeng “The General’s Daughter” ni pinagbidahan ni Angel Locsin.

Source :

PEP, MYX, LionHearTV