Graduate: “Never susuko sa pag-aaral dahil never napagod ang nagpapaaral”




Imahe mula sa Facebook page na Papa/Public Domain Image
  • May mensahe ang isang lalaking graduate
  • Aniya, “Never susuko sa pag-aaral dahil never napagod ang nagpapaaral”
  • Umani naman ito ng positibong reaksyon at komento mula sa mga netizens

Sa Pilipinas, malaki ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa pagtatamo ng edukasyon. Para sa marami, ito ang magiging susi ng isang mag-aaral upang mabuksan ang iba’t ibang oportunidad sa kaniya upang lumago bilang tao, bagama’t totoo din namang hindi lahat ng nakapagtatamo ng diploma o medalya ay nagtatagumpay, marahil ay may kulang sa kaniyang “formula.”

Kaya naman, pinagsusumikapan ng mga magulang na makatapos ng pag-aaral hanggang kolehiyo ang kanilang mga anak, kasehodang gumapang pa sila sa hirap. May ilang mga magulang na halos gawing araw ang gabi upang maibigay ang mga pangangailangan ng mga anak, at magkaroon ng mas magandang buhay. Kaya naman, isang larawan ng lalaking tila ga-graduate na sa pag-aaral ang nagdulot ng inspirasyon sa online world.

Imahe mula sa Facebook page na Papa/Public Domain Image

Sa kaniyang graduation picture, may hawak siyang papel na may mensaheng nakasulat na “Never susuko sa pag-aaral dahil never napagod ang nagpapaaral.” Ito ay maaaring tribute sa kaniyang mga magulang na hindi napagod o sumuko para lamang makatapos siya ng pag-aaral at may maipagmalaki sa kaniyang sarili. Hindi naman natukoy kung sino ang naturang mag-aaral. Ibinahagi ito sa Facebook page na “Papa.”

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Oo naman. Never lose hope din. Minsan susuko na tayo sa hirap, pero kapag naisip na natin na mas nahihirapan ang ating mga magulang mapag-aral lamang tayo, wala tayong karapatang magreklamo,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Yes na yes! Gawin nating inspirasyon upang makatapos ng pag-aaral ang ating mga magulang o kaanak na nagpapaaral. Huwag muna pakikipagrelasyon ang atupagin. Makakahintay iyan, promise.”

“Kung ikaw ay may scholarship, magpasalamat ka rin sa mga tao o grupong nagbigay sa iyo nito,” hikayat naman ng isa.

Public Domain Image

Ikaw, ano ang mensahe mo sa mga taong nagpaaral sa iyo?

Source :

Facebook