Good vibes! Doktor nasaksihan ang kabutihan ng pinagbilhang tindero ng mais




Public Domain Image
  • Nasaksihan ng isang doktor ang kabutihan ng isang tindero ng mais na kaniyang pinagbilhan
  • Hindi ito naging maramot sa kita; tinawag nito ang isang kapwa tindero ng mais upang mapagbilhan din niya ang doktor
  • Umani naman ito ng iba’t ibang positibong reaksyon at komento mula sa mga netizens

Sabi nga, kung sino pa ang mga maituturing na “walang-wala” ay sila pa ang tumutulong sa kanilang kapwa.

Iyan ang nasaksihan ng doktor na si Joey Hernandez matapos niyang personal na masaksihan at mapatunayang marami pa rin talaga ang mga Pilipinong may malasakit sa kanilang kapwa, na ibinahagi niya sa kaniyang Twitter post.

Imahe mula sa twitter account ni Joey Hernandez

Salaysay niya, “Approached a street vendor to buy 2 corn cobs. He gestured his fellow corn vendor to come and said ‘kuha ka isa sayo.’ They sold me one cob each with smiles on their faces. What a great sight—to see people share and think about others in the midst of difficulty.”

Hindi naman nakuha ng doktor ang pangalan ng mapagmalasakit na tindero ng mais na kaniyang pinagbilhan at hindi naging maramot sa kaniyang kapwa tinderong marahil ay nauunawaan ang bigat ng sitwasyon sa kasalukuyang panahon ng pandemya. Umani naman ito ng positibong reaksyon mula sa mga netizens.

“You’ll be surprised how sometimes (or oftentimes) these ‘little’ ones have the biggest hearts for others,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Iyong mga mahihirap ang bukas ang loob sa kapwa na mag-share; praying this type of caring/sharing rubs on the politicians/government officials.”

“This act is very precious! Sa province, once you visit paghahandaan ka pa nila kahit alam mo na medyo hirap or salat din sila,” wika naman ng isa.

Public Domain Image

Pahayag naman ng isa, “Got me teary-eyed. Sigurado ako na nangangailangan ng pera yung una, pero nakuha pa niyang bigyan ng kita yung isa. Mabuti siyang tao. Hindi tulad ng ilang mga nasa gobyerno, na ang laki na nga ng mga suweldo (with allowances), nakuha pa nilang magnakaw. Mga ganid, mga walang-puso.

Kung nasaan man ang tindero ng mais na iyon, saludo kami sa iyo! Sana ay pamarisan ka ng iba at nawa’y dumami pa ang mga gaya mo!

Source :

Twitter, Facebook