Coffee shop sa Bonifacio Shrine sa Maynila malapit nang magbukas




Imahe mula sa Facebook page ni Mayor Isko Moreno Domagoso / Public Domain Image
  • Ipinasilip ni Yorme Isko ang ipinatayong coffee shop sa Bonifacio Shrine sa Maynila
  • Magandang atraksyon ito sa mga turista kapag nanumbalik na ang lahat sa normal
  • Kilala ang alkalde sa pagsasaayos at pagpapalinis ng mga lugar sa Maynila na tila napabayaan

Ipinagmalaki ni Mayor Isko Moreno Domagoso ang coffee shop na matatagpuan sa Bonifacio Shrine sa Maynila upang magsilbing tourist attraction sa naturang lugar.

Makikita sa Facebook post ng alkalde ang napaka-cozy na coffee shop. Ipinasilip niya ang loob nito na talaga namang kaakit-akit at napakasarap mag-relax kasama ang mga kapamilya, kaibigan, katrabaho, at iba pang mga mahal sa buhay.  Matatandaang isinusulong ni Moreno ang paglilinis sa ilang pasyalan sa lungsod na aniya ay napabayaan.

Imahe mula sa Facebook page ni Mayor Isko Moreno Domagoso

“LOOK: Airconditioning and lighting features of the Coffee Shop at Bonifacio Shrine in Manila. Malapit na po nating buksan. Abangan!” saad sa caption ng post ng alkalde.

Umani naman ito ng magaganda at positibong reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Ang ganda po! Looking forward having a cup of coffee there soon when the pandemic is all over. God bless you more Yorme, you’re the BEST!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Praying that COVID-19 will end soon para mapasyalan naman ang coffee shop, and the many changes that took place in our city of Manila. Thumbs up to you Mayor Isko stay safe always,” sabi ng isa.

“What a place to be. So beautiful just like the concept builder. It would be flooded by people all over the places but of observing the protocols. We can celebrate responsibly. Let’s have coffee everybody. This is a help of economy. A good generating income for the country. Tourism booster too. Great job kudos to all behind this,” pahayag naman ng isa.

Pakiusap naman ng isa, “Sana po Yorme ay sa pamamagitan ng itinayo ninyong coffee shop ay maging daan po ‘yan para makatulong sa ating coffee farmers nang sa ganoon po ay matikman ng bawat Pilipino ang iba’t ibang uri ng masasarap na kape sa ating bansa. Tayo-tayo na rin po ang magtutulungan para sa ekonomiya sa harap ng pandemya.”

Imahe mula sa Facebook page ni Mayor Isko Moreno Domagoso

Sana nga ay humupa na ang pandemya upang makapunta na ang karamihan sa naturang kapihan!