Banat ni DILG Secretary Año sa mga kritiko: “Pagdating sa pandemic huwag kayong nagmamarunong”




Public Domain Image
  • May mensahe si DILG Secretary Eduardo Año sa mga kritiko hinggil sa paglalagay ng safety motorcycle barriers
  • Aniya, “Pagdating sa pandemic, huwag kayong nagmamarunong”
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens at eksperto

Binanatan ni Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang kaniyang mga kritiko, lalo na ang mga “motorcycle experts at enthusiasts,” na pagdating sa pagresolba sa COVID-19, huwag silang magmarunong at hayaan ang pamahalaan sa pagbibigay ng mga direktiba kung paano masosolusyunan ito.

“Pagdating sa pandemic, huwag kayong nagmamarunong, kasi kailangan pag-aralan ano ba talaga ‘tong virus na ito,” pahayag ni DILG Secretary Año.

Public Domain Image

Bunga ito ng apela ng mga nagmamaneho ng mga motorsiklo na huwag nang magpalagay ng motorcycle barriers sa pagitan ng mga couples na magkaangkas, bagay na nauna na nilang sinabi na maaaring magdulot ng panganib.  Pinasalamatan din ni Secretary Año  si Bohol Governor Arthur Yap sa panukala nito hinggil dito, habang sila ay nasa isang forum kasama ang iba pang mga opisyal.

“Pero syempre, alam mo, ang daming pilosopo, ang daming critics sabi, ganito, ganyan, ‘di na kailangan ‘yan. Ang daming mga magagaling,” dagdag pa ng kalihim.

Nauna na ritong umapela ang mga motorcycle groups at enthusiasts, na sinuportahan naman ng ilang mga senador.

Narito naman ang pulso ng masa hinggil sa isyu:

“Huwag kaming magmarunong? Wow, eh ‘añong’ tawag sa ginagawa mo? Naku po isa pa itong lider na ito, dapat ipa-swab test ang isipan nito, baka napasukan na rin ng virus ang mind mo, sir,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Sir, with all due respect, ‘yung mga nagtatanong and nagsa-suggest I would say 80% came from private sector where Project Management is taught. Some might have Six Sigma under their belts. These are the same persons who run a company and ensures that everything is well planned bago i-roll out ang project.”

Public Domain Image

“This is what happens when the people responsible for the implementation do not have first hand experience. We must forgive their ignorance but let us not be silent on our objection. Let them realize how their actions may result to injuries and even worse,” wika naman ng isa.

Bilang kalihim ng DILG, si Secretary Año ang vice chairman ng National Task Force o NTF kontra COVID-19. Inaprubahan nila ang panukalang prototype ni Bohol Governor Yap para sa motorcycle barriers.

Nagsimula na nitong Agosto ang pagkakaroon ng saftey motorcycle barriers para sa pag-angkas. Ang mga lalabag ay maaaring pagmultahin ng 1,000 hanggang 10,000 piso depende sa bilang ng dami ng mga paglabag.