Apela ng Summa Cum Laude ng UP College of Medicine 2015, alay para sa mga medical frontliners




Public Domain Image
  • Nagbigay ng apela ang summa cum laude ng UP College of Medicine Class of 2015 na alay niya para sa mga kapwa frontliners
  • Sana raw ay magkaroon ng konkretong game plan ang pamahalaan sa pagresolba sa krisis dahil napapagod na ang mga healthcare professionals
  • Ibinalik sa MECQ ang Metro Manila at iba pang karatig-lalawigan ayon na rin sa hiling ng mga frontliners upang makapagpahinga naman sa pagdagsa ng mga pasyenteng may COVID-19

May alay na apela at mensahe si Tiffany Grace Uy, ang summa cum laude ng University of the Philippines College of Medicine Class of 2015, para sa mga medical frontliners na nagsasakrpisyo para mapagaling at maalagaan lamang ang mga pasyenteng tinamaan at patuloy na tinatamaan ng COVID-19; sinuportahan din niya ang paghingi ng “time out” ng mga doktor, nurses, at health workers dahil sa labis na pagkapagod sa kanilang pakikibaka sa araw-araw.

Ayon sa kaniyang Facebook post, “May our voices be heard. The healthcare team is not just asking for an ECQ, but a whole new coordinated game plan, involving all the departments. We’re all in this together,” aniya.

Imahe mula sa Inquirer/ Public Domain Image

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“It is not only the COVID-19 patients who need ventilation, medical frontliners also need and deserve a breather. Suporta ako diyan!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Very true indeed. The government is looking at the different direction. We love ftontliners. Our compassion and prayers are with you. You are our heroes and heroines. God bless you more.”

“Yes, let our experts and professionals listen to a Valedictorian. She is overflowing with wisdom and critical discernment of this never before experienced pandemic,” tila nang-uuyam na wika naman ng isa.

Pahayag naman ng isa, “Anong game plan pa ba hinahanap eh ang dami ng guidelines na inilabas hindi naman sinunod ng mga tao.”

Public Domain Image

Matatandaang umapela ang grupo ng mga health care professionals kay Pangulong Duterte na mapagbigyan silang isailalim ulit sa ECQ o Enhanced Community Quarantine ang Metro Manila upang makapagpahinga naman ang mga frontliners, dahil maging sila ay nagkakasakit na rin sa labis na pagod at exposure sa virus.

Medical frontliners umapelang ibalik sa ECQ ang Metro Manila; Senadora Cynthia Villar, tutol dito

Bagay na agad namang pinakinggan; kaya muling ibinalik sa Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ hindi lamang ang Metro Manila kundi ang iba pang karatig-lalawigan, mula Agosto 4 hanggang Agosto 18, 2020.

Si Tiffany ay isa sa mga record-holders sa UP College of Medicine na nakakuha ng pinakamataas na General Weighted Average na 1.004 sa kasaysayan ng naturang pamantasan.