Advance mag-isip! Slides presentation ng guro, kinatuwaan




Imahe mula sa Facebook page na "Educ_Knows" / Public Domain Image
  • Kinatuwaan ng mga netizens ang larawan ng isang guro
  • Inilagay na kasi niya sa kaniyang slides presentation ang maaaring itanong ng mag-aaral
  • Sabi nga, advance mag-isip!

Ang pagiging guro ay itinuturing na dakilang propesyon dahil lahat ng mga propesyon o trabaho, white collar o blue collar man na maituturing, ay dumaan sa pagkalinga ng mga guro. Kaakibat ng degree na ito, kinakailangan din ang pagtitiyaga lalo na sa makukulit na mga mag-aaral. Kung wala ka nito, tiyak na makikita mo na alamang ang iyong sarili na nakatulala sa kawalan.

Kaya naman, nagbunsod ng katatawanan sa mga netizens ang larawan ng isang gurong “advance mag-isip” dahil sa kaniyang slides presentation na naka-flash sa pisara ng silid-aralan, noong mga panahong uubra pa ang pisikal na mga klase, at wala pang pandemya. Itinampok ito sa Facebook page na “Educ_Knows.”

Imahe mula sa Facebook page na “Educ_Knows” / Public Domain Image

Tila hinulaan na niyang itatanong ng mga mag-aaral kung anong sukat ng papel na kailangang ilabas, kapag sinabi niyang “Please get 1/4 sheet of paper.” May mga mag-aaral kasi na tila hindi nakikinig at talagang ipauulit pa sa kanilang guro ang sukat na kailangang gamitin, na maaaring crosswise o lengthwise.

“Relate-much” naman dito ang mga netizens dahil naranasan na raw nila ito.

Pagbabahagi ng isa, “Ako bilang guro, ganiyan talaga ang mga students. Sinabi na ngang kalahating papel o 1/2 sheet of paper, tatanungin ka pa kung anong hati hahaha. Kaya kailangan matiyaga ka kapag guro ka.”

“Throwback high school. Ganiyan ang mga kaklase ko hehehe. Yung iba mapang-asar lang, pero yung iba hindi talaga nakikinig sa teacher,” turan naman ng isa.

Saad naman ng isa, “Hahaha. Naaalala ko pa noon, madalas magalit ang teacher namin kasi laging may nagtatanong tungkol diyan. Sarap balikan nang nakaraan, lalo na ang mga panahong puwede pang pumasok dahil wala pa ang virus.”

Public Domain Image

Ikaw, isa ka rin ba sa mga nagpasaway noon sa kakulitan sa iyong mga guro sa sukat ng papel?

Source :

Facebook