Xian Gaza: “Money can buy happiness if you spend it right”




Imahe mula sa Facebook account ni Xian Gaza / Public Domain Image
  • Pinag-usapan ng mga netizens ang panibagong Facebook post ng kontrobersiyal na negosyanteng si Xian Gaza
  • Tungkol ito sa paliwanag niya na makabibili raw ng kasiyahan ang pera o kayamanan 
  • Nagbigay siya ng limang punto o dahilan kung bakit niya ito nasabi, bagay na sinang-ayunan at tinutulan ng ilan

“Money can buy happiness if you spend it right.”

Iyan ang ipinagdiinan ng kontrobersiyal na negosyanteng si Christian “Xian” Gaza na kilala sa iba’t ibang isyu hinggil sa “scam business” at pagpapagawa ng billboard upang alukin ng date ang aktres na si Erich Gonzales.

Inisa-isa ni Gaza sa kaniyang Facebook post ang kaniyang paliwanag kung bakit sinasalungat niya ang konseptong “Money can’t buy happiness.”

Imahe mula sa Facebook account ni Xian Gaza / Public Domain Image

Una raw, maiiwasan ang financial stress. Kapag marami umanong pera, “you can buy your way out from financial stress” na numero unong hadlang raw sa buhay na masaya.

Pangalawa, para daw sa mga mahal sa buhay. Sa tuwing ginagastos daw ang kayamanan para sa mga loved ones sa paraang nais, “it will give you genuine happiness.”

Pangatlo, magbibigay raw ito ng iba’t ibang karanasan. “When you have money, you can afford beautiful life experiences where you can feel real happiness” kagaya raw ng paglalakbay sa iba’t-ibang bahagi ng mundo o kahit ang mga maliliit na pleasures na nakapagpapasaya.”

Pang-apat, mabibili ang mga bagay o gamit na kailangan. Dahil sa pera, makakayang bilhin ang mga bagay na magbibigay kaginhawaan sa pamumuhay gaya ng mamahaling sasakyan o malaking bahay. “A more comfortable life will lead to a happier life.

At panlima at panghuli, mahahawakan ang sariling oras. Kapag mayaman daw,  “you will attain financial freedom that will give you more time to pursue bigger things in life aside from money and earthly things.” Mula raw doon ay masusumpungan ang spiritual happiness. Kapag mahirap daw kasi, iikot na lang ang buong mundo sa paggawa ng pera.

Public Domain Image

“Kaya bago mo sabihin ulit na money can’t buy happiness, siguraduhin mo munang naranasan mo na talagang yumaman at magkaroon ng maraming pera. Money can buy happiness, kapatid. Good morning,” huling mensahe ni Gaza.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens. May mga sumang-ayon at tumutol sa kaniyang mga sinabi. Napansin naman ng ilang mga netizens na batay sa bagong larawan ni Gaza na inilakip niya sa kaniyang Facebook post ay mukhang blooming ito at maaliwalas ang awra.

Ikaw, sumasang-ayon ka ba sa sinabi ni Gaza na ‘money can buy happiness’?