“Wooden-themed” kasilyas, kinaaliwan




Imahe mula sa Facebook account ni Eduard Herrera / Public Domain Image
  • Kinatuwaan ng mga netizens ang larawan ng isang “wooden-themed” kasilyas
  • Nagbigay naman ng reaksyon at komento rito ang mga netizens
  • Impluwensiya ito ng mga mananakop na Espanyol sa ating bansa

Isa sa mga mahahalagang bahagi ng isang tahanan ang kasilyas o palikuran. Ito ay natatanging espasyo kung saan ginagawa ang paghihilamos, paliligo, at pagbabawas at pag-upo sa trono kapag tinatawag ni Inang Kalikasan. Sa iba na may limitadong lugar sa bahay, dito isinasagawa ang paglalaba. Pagandahan pa ngayon ng tiles na ginamit sa loob nito.

Kaya naman, kinaaliwan ng mga netizens ang larawan ng isang kasilyas o palikuran na “wooden-themed” dahil gawa sa rattan, kawayan, at kahoy. Pati ang takip ng inidoro ay inspirasyon din mula sa kahoy.

Ibinahagi ito ng netizen na si “Eduardo Herrera” sa kaniyang Facebook post, na ibinahagi naman sa “Memories of Old Manila.”

Imahe mula sa Facebook account ni Eduard Herrera

“CR na gawa sa kawayan at kahoy. Maganda noong araw ang kasilyas. Nasa labas ng bahay at gawa sa yeti at kahoy ang materyales,” ayon sa kaniyang caption.

Namangha naman ang mga netizens at nagbigay sila ng reaksyon at komento hinggil dito.

“Ang ganda! Sobrang sosyal naman ng kasilyas na iyan,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Wow ang ganda, saan naman makikita iyan, parang pang-resort ang pagkakagawa… kahanga-hanga sa ganda.”

“Dapat ang gagamit nito yung malinis talaga sa bahay dahil kung balahura at napabayaan, ewan ko na lang kung ano ang magiging hitsura niyan after a month,” wika ng isa.

Saad naman ng isa, “Maganda naman ang design pero for practical reasons ay hindi nababagay sa kultura natin kundi sa ka kultura ng mga dayuhan, partikular ay mga Americans na kuntento nang maglinis na gamit ay tissue paper lamang.”

Public Domain Image

Noong unang panahon ay wala pang kasilyas. Ang malawak na kapatagan, kagubatan, kadamuhan o kakahuyan ang nagsisilbing “palikuran” ng ating mga ninuno.

Source :

Facebook