Ulat ng DOH, inihambing ni Senador Joel Villanueva sa pabago-bagong panahon




Public Domain Image
  • Inihambing ni Senador Joel Villanueva ang DOH sa pabago-bagong panahon
  • Kaugnay nito ang ulat nila na nasa mahigit 38, 000 ang recovery sa COVID-19
  • Para sa senador, ito ay pagbibigay ng false sense of security sa mga tao

Hindi mapaniwalaan ni Senador Joel Villanueva ang bagong labas na ulat ng Department of Health o DOH noong Huwebes, Hulyo 29,  na pumalo sa mahigit 38,000 ang mga naka-recover sa COVID-19 sa isang araw lamang.

“Wow 38k recoveries in 1 day only shows there’s a problem with data interpretation. Worse, it’s giving people a false sense of security. Imbes na mass testing, naging mass recovery,” ayon kay Senador Villanueva sa kaniyang Twitter post.

Imahe mula sa Twitter account ni Senador Joel Villanueva

Inihambing niya sa pabago-bagong panahon ang pag-uulat na ito ng DOH. Aniya sa isa pang Twitter post, “Yung reporting style ng DOH, mas malala pa sa pagbago-bago ng panahon.”

Sa pahayag naman ng DOH, ang resulta ay dulot ng “mass recovery” adjustment, kasama na ang mga pasyenteng may mild na kaso o maiututring na asymptomatic na naka-rekober sa loob ng 14 na araw.

“Current recovery policies now show that at the 10th day of illness, the risk of transmitting the virus to other people is significantly reduced. This clinical recovery protocol is followed by the US Center for Disease Prevention (CDC), European CDC, and India,” saad ng DOH.

Dagdag pa nila, “Upon assessment of a licensed physician, the patient can be tagged as recovered after completion of 14 days isolation period.”

Public Domain Image

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

“Because common people need to understand that 38k people didn’t recover on the same day. Naipon lang at nireport nang isang bagsakan. How will DOH explain that to the average person?” tanong ng isa.

Turan naman ng isa, “Korek senator dapat na talaga imbestigahan. Sayang pondo at mga inutang kung ganyan. May bayad ang testing, hindi nakukuha ng healthcare workers ang kanilang allowances and hazard pay. Saan napupunta pondo?”

“The fact that even people leaders from the government are doubting not just the report but more so of their colleague in the government, It speaks a lot,” wika naman ng isa.

Pahayag naman ng isa, “Only in the Philippines… mild and asymptomatic considered recovered, gagaling naman daw kahit walang followup test. Hahaha, God bless, Philippine government!”

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ang nakapagtala ng pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa buong Timog-Silangang Asya.