Tatak-imported na leche flan at ice candy, kinatuwaan ng mga netizens




Imahe mula sa Facebook page na Rant / Public Domain Image
  • Kinatuwaan ng mga netizens ang mga pabirong larawan ng leche flan at ice candy
  • Hindi kasi ito mga pangkaraniwang dessert kundi may tatak itong imported
  • Ito ay Chanel, Gucci, at Louis Vuitton; hindi rin biro ang halagang ikinapit dito

Ang mga tatak na “Chanel,” “Gucci,” at “Louis Vuitton” ay tatlo lamang sa mga pangunahing tatak-imported na talaga namang hinahangad na mapasakamay ng ilang kababaihan, pagdating sa bag, sapatos, at ilan pang mga mamahalagang kagamitan. Subalit paano kung may leche flan at ice candy na may tatak ng mga ito? Bibili ka ba?

Nagbunsod ng katuwaan sa mga netizens ang larawan ng isang leche flan na ibinahagi sa Facebook page na “Rant.” Hindi ito karaniwang leche flan dahil makikita sa ibabaw nito ang pamosong tatak ng Louis Vuitton o LV. Ayon sa caption nito, pabirong ibinebenta ito sa halagang P10, 500.

Imahe mula sa Facebook page na Rant / Public Domain Image

“Wow, ano kayang lasa ng leche flan na iyan? Mukhang mamahalin din ah,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Kung tunay man iyan, hindi ako bibili ng ganiyang kamahal na leche flan hahaha. Sa isang kainan lang na wala pang isang minuto, goodbye 10,500 na!”

“Hahaha, this is really funny. Baka gawa sa balat ng buwaya o ahas ang leche flan na ito kaya ganoon kamahal hahaha,” wika naman ng isa.

Samantala, sa isa pang Facebook post ng Rant ay makikita naman ang tatlong ice candy na may tatak “Chanel,” “Gucci,” at “LV” na nagkakahalagang 10, 000 piso ang isa.

“Grabe naman ang mga ice candy na ito! Literal na ginto ang presyo hahaha, mas mahal pa ang ice candy na ito kaysa sa mga pagkain sa restaurant?” sabi ng isa.

Saad naman ng isa, “Wow ayos ah… hahaha. Kakaloka naman ang presyo ng mga ice candy na ito!”

Imahe mula sa Facebook page na Rant / Public Domain Image

Ang Gucci ay isang Italian luxury brand ng fashion at leather goods na nilikha ni Guccio Gucci ng Florence, Tuscany, noong taong 1921.

Ang Chanel naman ay isang French privately held company na pagmamay-ari nina Alain Wertheimer at Gerard Wertheimer, mga apo ni Pierre Wertheimer, na business partner naman ng couturière na si Coco Chanel kung saan nagmula ang sikat na pangalan ng brand.

Noong 1854 naman unang sumikat ang LV o Louis Vuitton, French fashion house and luxury retail company na ipinangalan mismo sa nagtatag nito na si Louis Vuitton.