Tarangkahan sa gitna ng bakuran, nagdulot ng palaisipan




Imahe mula sa Facebook page na Viral Facts / Public Domain Image
  • Nagdulot ng palaisipan sa mga netizens ang isang tarangkahan o gate na nakatirik sa kalagitnaan ng malawak na bakuran
  • Nakatapagtataka, wala itong pansuportang pader, bakod, o mismong bahay na pinoproteksyunan
  • Nagbigay naman ng iba’t ibang haka-haka o palagay ang mga netizens sa pagpapaliwanag ng naturang palaisipan

Isa sa mahahalagang bahagi ng isang bahay o establisyimiento ang tarangkahan o gate. Nagsisilbi itong pananggalang o harang para sa mga taong magtatangkang pumasok sa loob nang walang paalam o abiso. Ito rin ang nagtatakda ng limitasyon sa pribadong pag-aari ng isang tao. Kapag may tarangkahan o gate, pakiramdam natin ay ligtas tayo.

Subalit isang tarangkahan ang pinag-usapan at nagdulot ng palaisipan sa Facebook page na “Viral Facts” kung saan makikita itong nakatirik sa kalagitnaan ng isang bakuran; ang nakapagtataka, wala itong pansuportang pader, bakod, o mismong bahay na pinoproteksyunan. Tanong tuloy, “Para saan po ito?” Ang weird!

Imahe mula sa Facebook page na Viral Facts

Narito naman ang mga haka-haka ng mga netizens:

“Baka meron siyang stock na gate, o nagpalit ng bagong gate sa bahay nila sa lungsod, tapos yung luma dinala niya diyan sa rest house or farm house niya sa bukid. Inuna lang muna niya itinayo. Hintay pa siguro ng budget para sa bakod. Relate po. Ganiyan din po ginawa namin. Imbes na bumili ng bagong gate para diyan, yung sa bahay namin sa siyudad na lang binilhan namin,” pagbabahagi ng isa.

Turan naman ng isa, “Kahoy lang kasi dati ang fence tapos nabulok na, kaya naiwan ang gate, soon to have a new fence, pakihintay lang po, malawak kasi ang lupain at malaki gastos hahaha.”

“Portal yata iyan sa ibang mundo o kaya sa Encantadia hahaha,” pabirong banat naman ng isa.

Pahayag naman ng isa, “Inuna lang po niya ang gate para safe kasi kapos sa budget. Isunod na lang ang bakod kapag nakaipon, hindi raw kasi nakatanggap ng ayuda hahahaha.”

Sa pagdaan ng panahon, naging makabago na rin ang mga tarangkahan o gate. May mga tinatawag na ring automated gate kung saan kusa na itong bumubukas at nagsasarang mag-isa.

Public Domain Image

Ano nga kaya ang “misteryo” sa likod ng naturang tarangkahan?