Sorsogon Governor Chiz Escudero pinagbibitiw sa tungkulin si DOH Secretary Duque




Public Domain Image
  • “Sir, please fire Sec. Duque”
  • Iyan ang panawagan ni Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero
  • Para sa kaniya, hindi na nagagampanan ng kalihin ng DOH ang tungkulin nito para sa bayan

Nanawagan si dating senador at ngayon ay gobernador ng Sorsogon na si Francis “Chiz” Escudero kay Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin sa tungkulin bilang kalihim ng Department of Health o DOH si Francisco Duque III matapos magtala ng pinakamataas na bilang ng kaso ng COVID-19 noong Huwebes, Hulyo 29, 2020,  kasabay pa ng anunsyo ng “mass recovery.”

Ayon sa Facebook post ni Governor Escudero, isang malaking insulto at hindi katanggap-tanggap ang mga datos na inilalabas ng DOH hinggil dito.

Imahe mula sa Facebook account ni Governor Chiz Escudero

“After recording the highest one-day COVID-19 positive new cases of 3,954, the Department of Health reports a 38,075 ‘mass recovery adjustment’ to include mild/asymptomatic cases. This is ‘only in the Philippines’ and is intolerable and insulting! PRRD: Sir, please fire Sec. Duque! You/we/I deserve better po!” pahayag ng gobernador, na mister ng socialite celebrity na si Heart Evangelista.

Isa lamang ang gobernador sa mga sikat at karaniwang personalidad na nananawagan sa pagbibitiw ng kalihim. Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

“The government is losing its integrity little by little. Is this another joke they have yet to apologize for?” tanong ng isa.

Turan naman ng isa, “Some senators called for his resignation yet the President, defended him. That’s why he is ‘kapit-tuko’ to his position. How long we’re going to make sacrifices for these kind of incompetent leaders? Their just wasting our taxes.”

“How is mild/asymptomatic case considered as recovered? Unless they have literally recovered na talaga,” wika naman ng isa.

Public Domain Image

Samantala, isang netizen naman ang nagtanggol sa DOH.

“Citing clinical recovery protocols also followed in the US and Europe, the Department of Health said thousands of patients with mild or no symptoms were tagged as recovered 14 days from the onset of symptoms or by the date of specimen collection. Sila po ay na-quaratine ng 14 days at walang lumalang sakit. Basa-basa rin muna bago mag-react.”

Upang maging updated sa mga datos ng mga naka-recover at panibagong kaso ng COVID-19, maaaring tingnan ito sa opisyal na Facebook page ng DOH.