She is the real life Darna! Direktor nagbigay-patotoo kung gaano kabuti ang pagkatao ni Angel Locsin




Imahe mula sa Facebook account ni Lester Pimentel Ong / Public Domain Image
  • Pinatotohanan ng isang direktor kung gaano kabuting tao si Angel Locsin
  • Ang naturang direktor ay mula sa “La Luna Sangre” na pinagtambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla
  • Tinulungan umano ni Angel na mabayaran ang hospital bill ng isang stuntman na naaksidente

Alam ng lahat na isa si Angel Locsin sa mga celebrity na bukas-palad sa mga nangangailangan ng kaniyang tulong; gayundin, siya rin ay vocal sa mahahalagang isyung panlipunan at walang takot na ipinahahayag ito sa social media at pagkilos— kaya nga tinagurian siyang “real life Darna.”

Kung may higit na nakakikilala at makapagbibigay ng testimonya kung gaano kabuting tao si Angel, ito ay walang iba kundi ang mga taong nasa industriya ng showbiz; mga taong nakasama na niya sa trabaho o proyekto. Isa na riyan ang kaniyang naging direktor sa teleseryeng “La Luna Sangre” sa ABS-CBN na si Direk Lester Pimentel Ong. Ibinahagi at pinatotohanan nito sa kaniyang Facebook post kung gaano kabuti ang pagkatao ng aktres.

Imahe mula sa Facebook account ni Lester Pimentel Ong

“Gusto ko lang share ang experience ko working with this person. There was one time, isa sa mga stuntmen namin got heavily injured, naputol ang pinakamalaking buto niya sa hita sa isang aksidente na hindi work-related. Ang pobreng stuntman, naospital sa orthopedic center nang mahigit isang buwan,”  panimulang bahagi sa post ng direktor.

“…ubos ang ipon (niya) at malaking chance hindi na siya makakalakad muli dahil hindi na niya afford ang mga susunod pang operation na kailangan gawin… One late night nang kaunti na lang tao sa public hospital kung saan naka-confine si injured stuntman, dumating siya kasama lang ang driver niya…” banggit ng direktor sa pagdating ni Angel sa ospital upang kumustahin ang kaawa-awang stuntman.

Ngunit hindi lamang pala pagdalaw ang ginawa ng real life Darna.

“Kinumusta si stuntman, consoled his wife and mom, then asked the person in charge of the hospital how much was the accumulated bill at magkano pa ang kakailanganin para makalakad pa ulit si stuntman. Agad niyang binayaran ang bill, nag-iwan nang pabaon at encouraging words sa pamilya,then she left…” ani Ong.

“Siya si Angel Locsin, she is the real life Darna… hero siya kahit sa likod ng camera, kahit walang nakatingin at walang nakakaalam. I just need to share my story of her,” giit ng direktor.

Public Domain Image

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Angel, you are my favorite actress! Your name is perfect for you, you help a lots of Filipino people. God bless you from Canada,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “She is God sent angel, she is so grounded, humble before God and is always good to people. I salute you Ms Angel! Mahiya naman sana ang mga bashers mo.”

Saludo kami sa sa tunay na Darna ng panahong ito, Ms. Angel Locsin! Sana dumami pa ang mga kagaya mong makalulunok ng bato upang magamit ang super powers sa kabutihan at kapakanan ng kanilang kapwa.