Sandara Park nagsalita gamit ang wikang Filipino sa isang Korean TV show




Public Domain Image
  • Nasurpresa ang mga tagahangang Koreano at Pilipino kay Korean superstar Sandara Park
  • Nagsalita kasi siya gamit ang wikang Filipino sa isang Korean talk show
  • Nagkaroon kasi sila ng impromptu skit ni Korean actress Choi Soo-rin

Isa sa mga hindi malilimutang Korean celebrity na may pusong Pinoy ang Korean superstar na si Sandara Park, na bago maging sikat sa buong mundo ay nakilala muna bilang isa sa mga finalists ng artista-search ng ABS-CBN na “Star Circle Quest” kasama nina Melissa Ricks, Joross Gamboa, Roxanne Guinoo, at Hero Angeles.

Dahil sa mataga-tagal ding pananatili sa Pilipinas at pakikisalamuha sa mga Pilipino, natututo na rin ng wikang Filipino si Sandara. Kaya naman, kahit nasa bansang Korea siya, ginagamit niya ito sa pagsasalita. Gaya nang ginawa niya sa isang Korean talk show kung saan nagkaroon sila ng impromptu skit ng Korean actress na si Choi Soo-rin kung saan ang sitwasyon ay tungkol sa sensitive na biyenan at manugang na nagtatalo.

Imahe mula sa Twitter

“Ano po sinasabi ninyo? Hindi ko kayo maintindihan, galing po ako sa Pilipinas,” kunwari ay linyahan ni Dara bagay na pumatok naman sa mga Pilipino at iba pang mga tagahanga ng 2NE1 icon superstar. Maging ang mga host at guests sa naturang Korean show ay nasorpresa sa husay ng pananagalog nito. Agad na naging trending si Sandara sa Twitter dahil dito.

“I don’t know what’s going on here but this is so funny. I’m familiar w/this show since Sunny was a previous host and Dara replaced her spot when she left. It seems it’s a short acting stage then Sandy suddenly speaking Filipino,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Dara acted like a foreigner and started to speak in Filipino to get back at Choi Soo-rin HAHAHAHAHAHA. This is so funny!”

“Dara uses her Filipino (language) power to win against her mother in law. Pambansang Krung Krung indeed!” saad naman ng isa.

Public Domain Image

Ang wikang Filipino ay wikang pambansa ng Pilipinas, ayon na rin sa Artikulo 14 Seksyon 6 ng Konstitusyon. Tamang-tama, dahil pagpasok ng Agosto, ginugunita ang Buwan ng Wikang Pambansa. Ngayong 2020, ang tema ng pagdiriwang ay “Wika ng Kasaysayan. Kasaysayan ng Wika. Ang mga Katutubong Wika sa Maka-Filipinong Bayanihan Kontra Pandemya.”

Samantala, kung Koreanong mahusay magsalita gamit ang wikang Filipino ang pag-uusapan, isa na riyan ang “It’s Showtime” host na si Ryan Bang na unang nakilala naman sa “Pinoy Big Brother: Teen Clash of 2010” ng ABS-CBN.

Imahe mula sa Twitter

Panoorin ang naturang eksena via Twitter: