Reaksyon ng mga celebrity, karaniwang mamamayan sa Anti Terrorism Act of 2020?




Public Domain Image
  • Nilagdaan na ni Pangulong Duterte ang Anti Terror Bill
  • Ito ay kilala bilang Republic Act 11479 o “Anti Terrorism Act of 2020″
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga celebrity at netizens

Tuluyan na ngang naging batas ang “Anti-Terror Bill” o kilala rin bilang Anti Terrorism Act of 2020 matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagiging batas nito, nitong Hulyo 3, 2020, sa kabila ng pagtutol ng maraming mamamayan sa implementasyon nito.

Inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong Biyernes ng gabi na nilagdaan na nga ng Pangulo ang Republic Act 11479 sa kabila ng pagtutol ng marami, kasama na ang United Nations Human Rights Body at Bangsamoro Transition Authority.

“Timing” pa ito sa isa pang balita na nasa 40,000 na ang kaso ng may positibong COVID-19 sa bansa.

Public Domain Image

“As we have said, the President, together with his legal team, took time to study this piece of legislation weighing the concerns of different stakeholders.┬áThe signing of the aforesaid law demonstrates our serious commitment to stamp out terrorism, which has long plagued the country and has caused unimaginable grief and horror to many of our people,” saad ni Roque.

Iba-iba naman ang naging reaksyon ng mga celebrity, gayundin ng mga karaniwang mamamayan hinggil sa pagsasabatas ng naturang bill. Isa na rito ang kilalang aktibo sa pagpapahayag ng kaniyang damdamin na si Agot Isidro.

Bagama’t wala siyang direktang Twitter post, ni-retweet naman niya ang pahayag ng Philippine Collegian, opisyal na pahayagan ng University of the Philippines (UP).

“Our fundamental rights are at stake now that President Duterte signed the anti-terror bill into law, July 3. Ever since Congress drafted the bill, the public has relentlessly expressed their fear of the massive human rights abuses the bill may bring in its wake,” ayon sa Twitter post.

Ayon naman sa mambabatas na si Lucy Torres-Gomez na isa sa mga tagasuporta ng Anti Terror Bill: “If wrongful arrest does happen, there is legal recourse. But when a terror attack has been carried out , the damage is irreversible. A law on anti-terrorism should not just be reactive but also preventive.”

Public Domain Image

Narito naman ang reaksyon ng ilang mga karaniwang mamamayan:

“If we really need that protection that ‘law’ can give then, we should just pray that the implementors should do that law’s mandate as per what their oaths were stated,” pahayag ng isa.

Saad naman ng isa, “A sad day for peace and freedom loving individuals. But not to worry because nothing in this world is permanent. Change may come in just a matter of years and hopefully this time, it will be for the better.”

“Hati talaga opinyon ko sa batas na ‘to. Good siya for safety but at the same time, nakakatakot na may mga puwedeng umabuso sa paggamit niyan. Kaunting bintang lang malamang ‘yang batas na ‘yan isasampal sa’yo. Mawawalan na din ng bisa yung warrant. Sana ni-revise ‘yan kahit paano eh,” turan naman ng isa.

Wika naman ng isa, “Those activists must prove the difference between activism and terrorism. Simple lang naman, huwag magdididikit sa mga NPA. Such a great day!”

Matapos ang labinlimang araw ay ganap nang maisasakatuparan ang batas na ito matapos maipalathala sa mga pahayagan bilang pabatid sa publiko.

Ang inaalala ng karamihan, bagama’t maganda naman ang laman ng batas na ito, maaaring maabuso ito ng mga “implementors” na may “ibang interpretasyon” dito.

Public Domain Image

Nawa ay hindi magamit ang batas na ito para mayurakan ang karapatang pantao ng lahat!