Rapper Kanye West tatakbo nga ba bilang pangulo ng America?




Public Domain Image
  • Tatakbo umano bilang pangulo ng America ang rapper na si Kanye West
  • Inihayag niya iyan sa kaniyang Twitter post
  • Hindi ito ang unang pagkakataon na nagsabi si Kanye na tatakbo siya sa pagkapangulo

Ang pagiging pangulo ng isang bansa ay isang gampaning may mabigat na responsibilidad hindi lamang sa iilang mga pangkat o grupo ng mga tao kundi sa buong bansa, kaya nararapat lamang na sinumang magnanais na mailuklok sa posisyong ito ay nararapat lamang na maging handa sa lahat ng aspeto, at hindi ito ginagawang biro.

Inihayag ni American rapper Kanye West sa kaniyang Twitter post na tatakbo siya bilang pangulo ng United States of America upang palitan ang kontrobersiyal at kasalukuyang pangulo nitong si President Donald Trump, sa darating na halalan sa naturang bansa ngayong 2020.

Imahe mula sa Twitter post ni Kanye West

“We must now realize the promise of America by trusting God, unifying our vision and building our future. I am running for president of the United States Flag of United States! #2020VISION” ayon sa kaniyang Twitter post.

Hindi na bago para sa mga tagahanga ni Kanye ang kaniyang anunsyo ng pagtakbo. Noong 2015, nauna na niyang sinabi na tatakbo siya sa pagkapangulo subalit hindi naman niya ito ginawa. Noong 2019, sinabi niyang sa 2024 siya tatakbo at hindi sa 2020. Noong Abril 2020, sinabi niyang buo ang kaniyang suporta at pagboto kay Donald Trump sa halalan na magaganap sa Nobyembre 2020.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga American netizens.

“This is not an insult. I’m a psychologist. Kanye is not well. Please help him if you care about him,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “It’s amazing how many super qualified women candidates we’ve had and they get drummed out or drop out. Meanwhile super unqualified men candidates just seem to think we should celebrate their “genius” and elect them. What a joke. The last thing we need is Kanye.”

“Nailed it! Then he will be tapped for congressional or senate seat. Let Kanye prove himself,” saad naman ng isa.

Imahe mula sa Twitter post ni Kanye West

Si Kanye Omari West ay isang American rapper, singer, songwriter, record producer, composer, negosyante,  at  fashion designer. Sikat siya sa iba’t ibang music genre gaya ng hip hop, soul, baroque pop, electro, indie rock, synth-pop, industrial at gospel.

Hindi pa rin tiyak kung talaga nga bang seseryosihin ng rapper ang kaniyang tinurang tatakbo siya bilang pangulo ng  itinuturing na “pinakamakapangyarihang bansa” sa buong daigdig.