Proteksiyon sa pandemya: Dalawang Lysol products, aprubado na sa USA bilang pampuksa sa COVID-19




Larawan mula sa Lysol
  • Aprubado na ng US Environmental Protection Agency ang dalawang Lysol products bilang pangontra sa C0VID-19
  • Ayon sa pag-aaral na ginawa ng EPA, napupuksa raw ng dalawang Lysol spray ang SARS-CoV-2 sa loob ng dalawang minuto
  • Ang magandang balita, mabibili rin sa Pilipinas ang dalawang variants na ito ng kilalang disinfectant spray

Patuloy pa rin ang pagtuklas ng mga siyentipiko at mga eksperto sa lunas o bakuna para sa C0VID-19. May ilang mga organisasyon at pharmaceutical companies ang nasa ilang antas na ng pag-aaral at pagsub0k para sa mga inaasahang lunas sa pandemya.

Ngunit habang nasa proseso pa lamang ang pagtuklas sa mga posibleng gam0t, mayroon namang ilang mga pampuksa sa virus ang inaprubahan na ng mga health experts sa mga bansang matindi ang naidulot na pinsala ng pandemya.

Larawan mula sa Lysol

Isa sa mga napatunayang nakapupuksa sa SARS-CoV-2 ay ang disinfectant brand na Lysol. Ang dalawang produkto na gawa ng nasabing brand ay sinertipikahan ng US Environmental Protection Agency (EPA) na nakapupuksa sa ng C0VID virus sa mga solidong bagay tulad ng bakal, plastic, glass, at maging kahoy.

Ang dalawang Lysol products na ito ay ang Lysol Disinfectant Spray at Lysol Disinfectant Max Cover Mist. Pasok sa criteria ng EPA ang dalawang disinfectant sprays matapos ang ginawang laboratory tests. Napupuksa raw agad nito ang virus matapos ang dalawang minuto.

Bagama’t mayroong 420 na produkto sa merkado na ipinagbibili at sinasabing kayang makakitil ng SARS-CoV-2, ang dalawang Lysol sprays na ito pa lamang ang clinically-tested ng EPA at napatunayang may laban sa C0VID-19.

Sa isang pahayag naman, sinabi ng Lysol na mas pinagbubuti nila ang paglikha ng mga produktong magsisiguro ng kaligtasan ng kanilang mga mamimili laban sa anumang karamdamang dulot ng maruming kapaligiran.

Larawan mula sa Lysol

Patuloy daw ang pakikipagtulungan nila sa mga siyentipiko at health experts upang magbigay na rin ng kaalaman sa publiko sa kung paano ang wastong paglilinis ng paligid at ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng maayos na personal hygiene.

Samantala, mabibili naman sa Pilipinas ang dalawang variant ng Lysol na inaprubuahan ng EPA. Nasa halos limang daang piso ang 510 grams bottle ng dalawang Lysol disinfectant sprays na ito na puwedeng makuha sa mga pharmacy, grocery stores, at online shops.

Source :

CNN, USA Today