“People’s initiative” maaaring gawin para sa ABS-CBN franchise renewal, ayon sa isang abogado




Public Domain Image
  • May maaari pa raw gawin ang taumbayan para sa franchise renewal ng ABS-CBN
  • Ito ang tinatawag na “People’s Initiative” na isang batas na ipinasa ng Kongreso noong 1989
  • Hindi pinagbigyan ng Kongreso ang franchise renewal ng pinakamalaking tv network sa bansa

Pinag-usapan ng lahat ang ginawang pagbasura ng komite ng Kamara sa nakahaing franchise renewal ng ABS-CBN “Kapamilya” Network nitong Hulyo 10, 2020, matapos ang 12 pagdinig, sa botong 70 para sa hindi pagsang-ayong ma-renew ito, 11 boto para sa pagsang-ayon, 2 ang nag-inhibit, at 1 ang nag-abstain.

Nangangahulugan itong hindi na aakyat sa plenaryo ang franchise renewal ng pinakamalaking tv network sa bansa. Hati ang naging reaksyon at opinyon dito ng taumbayan. Subalit ayon sa isang abogado na si Law Professor Atty. Enrique dela Cruz, isa pang solusyon sa denial ABS-CBN franchise renewal ay ang “People’s Initiative.”

Public Domain Image

“Another remedy is people’s initiative. The people can directly enact a national law granting ABS-CBN franchise. In 1989, Congress passed a People’s initiative Law (Republic Act No. 6735) with the primary intention of providing a procedure for the Filipino people to directly pass national laws that Congress is unwilling to pass,” ayon sa abogado.

Dagdag pa niya, “For people to initiate the passage of a national legislation, the draft law must be signed by at least 10 percent of our country’s total voters, and at least 3 percent of every legislative district’s voters.”

Sa pagpapatuloy, “After the Commission on Elections verifies the signatures to be genuine, it will schedule a referendum. If approved by a majority of our country’s voters, a proposed national law becomes a full-fledged law equal to laws passed by Congress. The best part is—Congress and the President cannot stop this.”

“The voice of the people is the supreme law. All government authority emanates from the people. Kung hindi ngayon, kailan pa? Kung hindi tayo, sino pa?”

Public Domain Image

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“If this succeeds, then the power belonging to the people will stand true!” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Problem is they don’t have the support of the people, people’s initiative is not an option. Hindi sila natatakot na kung kaya gawin ng administrasyon na ito ang patahimikin ang ABS-CBN, malamang kaya rin nila itong gawin sa ibang media organizations. Sino ba ang house leader ng Congress? Eh kaalyado ng Pangulo, hindi ba?”

“Many have anticipated this to happen, and as I’ve said before, this is politically motivated, the reason is very personal and I want this also to happen, well what’s next? Well see it to next chapter…” wika naman ng isa.

Abangan natin ang susunod na kabanata sa magiging kapalaran ng ABS-CBN Kapamilya Network.