Payo ng netizen: “Make yourself happy; Don’t expect anything from anyone”




Public Domain Image
  • Pinag-usapan ng mga netizens ang isang Twitter post
  • Payo ito sa lahat na walang ibang makapagpapaligaya sa ating sarili kundi ang ating sarili rin
  • Ayon sa kaniya, “Make yourself happy; Don’t expect anything from anyone”

Paano nga ba magiging “tunay” na maligaya ang isang tao? Ito ba ay dahil sa malaking pera niya sa bangko? O ang tagumpay sa kaniyang piniling larangan o trabaho? O kaya naman ay pagkakaroon ng kasintahan, o kaya naman pagtataguyod ng sariling pamilya?

Napa-“hugot” ang mga netizens sa isang kumakalat na Twitter post mula sa isang netizen na nagngangalang “Ceb” na ibinahagi naman sa Facebook page na “Rant.” Naglalaman ng isang mensahe ang naturang Twitter post na walang ibang makapagpapasaya sa isang tao kundi ang kaniyang sarili.

Imahe mula sa Facebook page na Rant / Public Domain Image

“I need a new shoes. (Me: Buys myself a new shoes. Hmmm nak pizza. (Me: Treat myself to pizza). I’m craving for burger (Me: Eats two burgers),” panimula ng naturang post.

Sa huli, ang nais ipunto ng nagbahagi nito ay huwag i-asa sa ibang tao ang kasiyahan.

“People, make yourself HAPPY. Stop expecting anything from anyone. In the end, there’s going to be just you,” paalala niya.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“So true. Even your own blood won’t appreciate for what you have became cause they thought you can’t surpass them. Nobody can help you except yourself. People with less friends are more inclined to success. Not trying to be selfish but please love yourself first,” saad ng isa.

Hugot naman ng isa, “Totoo iyan. Sabi nga, you can’t love everybody o anybody kung hindi mo muna mamahalin ang sarili mo. Dapat ipakita mo muna na you are capable of loving and caring someone para makita rin nila na worthy ka sa pagmamahal at atensyon.”

Public Domain Image

“Always remember huwag i-asa sa ibang tao ang kaligayahan. Puwede mo namang pasayahin ang sarili mo, pero of course, it doesn’t mean na hindi ka na makikibagay sa kapwa mo. No man is an island po,” pahayag naman ng isa.

Tunay na ang tanging bagay na makapagpapasaya sa ating sarili ay mismong sarili natin, subalit hindi ibig sabihinĀ  nito na magiging selfish o makasarili na tayo. Kapag masaya ka at magaan ang pakiramdam sa iyong sarili, ito ang magiging kasangkapan upang mahalin naman ang ibang tao.

Source :

Facebook