Netizen, nanawagang itigil ang “online seller shaming”




Public Domain Image
  • May panawagan ang isang online seller
  • Itigil umano ang online seller shaming kagaya ng kaniyang naranasan
  • Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens

Isa sa mga naging diskarte ng mga Pilipinong naapektuhan ng pagtigil sa pagtatrabaho, hindi dahil sa katamaran, kundi dahil sa mga ipinatupad na community quarantines, ay ang online selling. Patok na patok ito sa kasalukuyan dahil na rin sa impluwensiya ng paggamit ng internet at halos nakababad ang mga tao sa paggamit ng social media.

Kaya naman, hindi man direkta o tuwirang nagsabi, subalit hinihikayat ng isang online seller ng pastries¬† na nagngangalang “Peanne Gutierrez Salonga” sa kaniyang Facebook post na itigil ang “online seller shaming” o panghihiya at panghuhusga sa mga online sellers o nagtitinda ng iba’t ibang mga produkto online.

Imahe mula sa Facebook post ni Peanne Gutierrez Salonga

Ayon sa kaniyang caption, “God bless na lang po sa nagsabi sa akin nito! #Stopsellershaming” kung saan inilakip niya ang screenshot ng isang mensahe laban sa kaniya.

Nakasaad sa naturang mensahe na “Hi sorry for offending you ha? Pero please can you stop stories your binebenta? Like, kailangan ba araw-araw? Walang-wala ka na ba? Nakakaalibadbad sa stories ko eh. Grow up girl hindi lahat gusto pastries mo. Sorry ha? Thank you!”

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Inggit lang sila! Yung mga ganyang tao, hindi nila kayang mag-start ng sarili nilang business. Kung ayaw niyang makita stories mo, i-unfollow ka niya o i-mute niya stories mo. Name drop mo na ‘yan mama!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Ay, masyado naman po? Sampalin mo siya ng mga cookies mo! Wala lang pambili ‘yan! Naglalaway sa mga paninda mo tuwing pino-post mo kaya bitter! Hahahaha!”

“Peanne masarap luto mo. Saksi ako roon. Huwag na huwag mong hayaan na ma-down ka dahil sa isang taong may masamang komento sa iyo. Tuloy lang, walang masama maghanap ng paraan para kumita sa buhay! God bless tropa and lalong God bless sa nagsabi sa’yo niyan,” wika naman ng isa.

Public Domain Image

Walang masama sa online selling basta’t hindi nananamantala sa presyo, tapat sa pagtitinda, at walang tinatapakan o inaagrabyadong tao. Agree?

Source :

Facebook