Netizen nanawagan ng tulong para sa mga kababayang homeless sa Cebu




Imahe mula kay Leigh Ybañez | Facebook
  • Nanawagan sa social media ang isang netizen upang mabigyan ng tulong ang ilang mga kababayang nangangailangan sa Cebu
  • Sa post ni Leigh Ybañez, sinabi nito na patuloy ang pagtanggap nila ng donasyon upang maipaabot sa mga mamamayang hindi gaanong napagtutuunan ng pansin ng pamahalaan
  • Susunod na idi-distribute ng kanilang grupo ang second batch ng ayuda sa darating na Linggo, July 12

Nanawagan ng tulong ang isang netizen upang mabigyan ng ayuda at donasyon ang ilang mga kababayang nangangailangan sa Cebu.

I-click ang imahe para makita ang buong post

Sa post ng netizen na kinilalang si Leigh Ybañez noong July 4, makikita ang ilang larawan ng mga kapuwa Cebuano na walang permanenteng tahanan.

“We roamed around within the city to give some groceries to the people living in the streets. I don’t want to call them “homeless” because they still deserve a home,” aniya.

“They’re most likely not recognized by the government maong walay ayuda madawat. We made 20 packs with food supplies and hygiene essentials. We took a hard time to distribute these 20 packs kay lisod kaayo sila pangitaon or nagtago lang sila because of the military control. We tried to enter sa mga sikot-sikot nga dalan but some roads are closed,” dagdag niya.

Ayon sa netizen, kailangan nila ng tulong upang masabihan ang mga homeless na kababayan na manatili sa kanilang lugar para na rin maabutan sila ng ayuda ng grupo ni Leigh.

Nag-iwan din siya ng detalye sa bawat larawan na kaniyang in-upload para naman sa mga taong nais magbigay ng tulong at donasyon.

Imahe mula kay Leigh Ybañez | Facebook

“If you want to give them personally, I put some captions on each photo for you to locate them, and some of them have different illness that you might want to help,” aniya.

Susunod na idi-distribute ng grupo ni Leign ang second batch ng ayuda para sa mga homeless na kababayan sa darating na Linggo, July 12.

Source :

Facebook