Nakakita ka na ba ng “butong may kaunting avocado?”




Imahe mula sa Facebook page na Papa / Public Domain Image
  • Kinatuwaan ng mga netizens ang avocadong may malaking buto at halos wala nang laman
  • Biro sa caption, ito ay “butong may kaunting avocado”
  • Isa sa mga paboritong prutas ng mga Pilipino ang avocado

Isa sa mga paboritong prutas ng mga Pilipino ang “avocado.” Mas msarap itong gawing panghimagas sa pamamagitan ng pagkayas dito, paglalagay ng gatas, asukal, at yelo— para ka na ring kumain ng avocado ice cream!

Kaya naman, nagdulot ng katatawanan sa mga netizens ang isang larawang ibinahagi sa Facebook page na “Papa” kung saan makikita ang “butong may kaunting avocado.” Napakalaki kasi ng butong nasa loob nito at tila wala nang kalaman-laman, na bibihira lamang mangyari.

Imahe mula sa Facebook page na Papa / Public Domain Image

Pabirong caption ng post, “FOR SALE: BUTO MAY KAUNTING AVOCADO HAHAHAHA.”

Ang avocado o tinatawag ding persea americana ay isang uri ng puno na nagmula sa katimugan at kalagitnaang bahagi ng bansang Mexico. Ito ay kabilang sa flowering plant family na Lauraceae. Ang prutas nito na tinatawag ding avocado ay maaari ding ma-cultivate sa mga bansang may klimang tropikal at Mediterranean.

“They have a green-skinned, fleshy body that may be pear-shaped, egg-shaped, or spherical. Commercially, they ripen after harvesting. Avocado trees are partially self-pollinating, and are often propagated through grafting to maintain predictable fruit quality and quantity,”  ayon sa mga eksperto.

Sa Pilipinas, aabot umano ng halos kalahating milyon ang mga puno ng avocado. Naiiba-iba rin ang mga kulay nito: may manibalang na kulay-berde at may mga klase naman na kulay-lila. Sa pagpili raw ng mainam na prutas, piniliin ang may makintab na balat at umaalog-alog sa loob nito dahil pihadong hinog na ito.

Maraming mga recipe na maaaring gawin sa avocado. Maaari itong gawing palaman o spread sa tinapay, o kaya naman ay dip para sa nachos kasama ang kamatis, sibuyas, at iba pa. Maaari din itong gawing sauce para sa pasta na tinatawag na “creamy avocado pesto pasta.” Maaari din itong ilagay sa Graham float, sa halip na mangga ang gamitin.

Public Domain Image

Pagdating naman sa health benefits, nakatutulong umano ang avocado upang mapigilan ang sakit sa atay at bato, ulcer, impeksyon ng fungi, altapresyon, pagbaba ng asukal sa katawan, at kombulsyon. Nakapagpapaganda rin ito ng kutis, nakapagpapalinaw ng mga mata, at nakapagpapapigil ng nausea tuwing umaga para sa mga buntis.