Nakakatulog ka rin ba nang wagas sa pampublikong sasakyan?




Public Domain Image
  • Nasubukan mo na bang mapahimbing habang nasa loob ng pampublikong sasakyan
  • Iyan ang ibinahagi ng mga netizens sa isang Facebook page
  • Kung hindi talaga mapipigilan, mangyaring yakapin nang mahigpit ang bag upang maramdaman kaagad kung may nagtatangka nang kumuha nito

Mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na tulog sa isang tao. Ito kasi ang oras kung saan nare-refresh ang utak at iba pang mga sistema upang maging produktibo kinabukasan. Habang ang ilan ay minamabuting matulog sa kani-kanilang mga kuwarto, may ilan namang tinatawag na “masandal tulog.” Mga tipong kahit nasa loob ng pampublikong sasakyan ay makakayanang mahimbing sa pagkakaidlip at maghilik nang hindi namamalayan.

Kagaya na lamang ng larawang naitampok sa Facebook page na “Rant” kung saan makikita ang isang lalaki at isang babae na himbing na himbing sa pagkakatulog habang nakasakay sa pampublikong bus; at nakanganga pa! sa tantiya ay mukhang magkasintahan pa ang dalawa.

Public Domain Image

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Sana balang-araw ganyan din ang mapapangasawa ko… yung hindi ako iiwan sa hirap ng buhay.. yung tipo na maski nasa sitwasyon kami ng paghihirap at puno ng problema eh nananatili pa rin kaming magkasama at hindi nag-iiwanan, sabay naming lalampasan ang mga pagsubok namin, at magkasama kaming lalaban upang makaraos sa pang araw araw,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Oo ako nga nagawa ko na iyan dati, lalo na noong nasa college pa ako. Kampante kasi ako eh. Tamang-tama naman na ang terminal ng bus ay sa mismong bababaan ko. Magugulat na lang ako na kakalabitin na lamang ako ng kundoktor at sasabihan akong need ko na bumaba hehe.”

“Dati, nakatulog ako sa bus kasi ang lamig tapos pagod na pagod pa ako. Paggising ko, wala na ang bag ko. Nakuha na,” kuwento naman ng isa.

Public Domain Image

Kinakailangan ding maging maingat sa pagtulog sa mga pampublikong sasakyan dahil hindi natin tiyak kung walang intensiyong masama ang mga kapwa-pasaherong nakakasakay natin. Kung hindi talaga mapipigilan, mangyaring yakapin nang mahigpit ang bag upang maramdaman kaagad kung may nagtatangka nang kumuha nito.

Source :

Facebook