Nadine Lustre bumwelta kay Jobert Socaldito: “You are not seeing the bigger picture”




Public Domain Image
  • Hindi napigilan ni Nadine Lustre na bumwelta kay Jobert Sucaldito
  • Nagbigay kasi ng kaniyang testimonya ang napaalis na showbiz columnist at entertainment reporter ng DZMM laban sa ABS-CBN, sa hearing ng franchise renewal nito sa Kongreso
  • Ani Nadine, “You are not seeing the bigger picture”

Bumwelta ang Kapamilya actress na si Nadine Lustre kay dating showbiz columnist at entertainment reporter Jobert Sucaldito matapos dumalo ng huli sa hearing ng Kongreso noong Hunyo 29, 2020 at magbigay ng testimonya laban sa dating home network na ABS-CBN kaugnay ng renewal ng franchise nito.

Matatandaang tinanggal si Jobert sa DZMM, ang AM radio station ng Kapamilya Network, matapos nitong magbigay ng mga akusasyon hinggil sa “mental health” ni Nadine matapos ang napabalitang paghihiwalay nila ni James Reid, at pagtatanggol na rin sa isa pang batikang showbiz columnist na si Ricky Lo.

Public Domain Image

Sa Instagram post ni Nadine, makikita ang kaniyang pagbwelta kay Jobert, na sinabihan niyang “You are not seeing the bigger picture.”

“It’s messed up how you are completely unashamed of what you said. It’s never okay to push someone to commit s*icide. I can’t believe you’re using this issue to fight our home network whose only objective is to protect us,” ani Nadine sa kaniyang IG story.

Iginiit ni Nadine na kaya tinanggal si Jobert sa kaniyang trabaho ay dahil sa mali niyang ginawa. Kaugnay dito, kinukuwestiyon ni Nadine kung bakit kasali ang kolumnista sa mga ipinatawag sa hearing ng Kongreso para sa ABS-CBN franchise renewal.

Sa naganap na hearing, sinabi ni Jobert na nagulat siya sa ipinataw na suspensyon sa kaniya ng ABS-CBN at hindi man lamang daw siya hinayaang makapagpaliwanag. Binanggit din niya ang illegal dismissal complaint na inihain niya sa Department of Labor and Employment (DOLE) noong Marso 4 laban sa DZMM.

“I am for the No to Shutdown, but ‘yung mga tao sana sa loob who really throw their wits around, I hope you also learn your lesson. I hope you walk your talk,” ani Jobert sa harap ng mga kongresista.

Public Domain Image

Sa pagpapatuloy pa niya, “I may not go back to you anymore but I will fight for this also kasi ‘di biro na I worked for you for more than 17 years tapos gaganunin n’yo na lang ako nang isang iglap?”

Sa pahayag naman ng DZMM sinuspinde nila bilang radio host ng  “Showbuzz” ang kolumnista bilang “standard procedure” habang iniimbestigahan pa ito. Hindi umano ito ang unang pagkakataon na maimbestigahan ang kolumnista sa mga paglabag sa pamantayan ng network hinggil sa kanilang etika, sa broadcast code ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP, at probisyon sa kaniyang kontrata.

Screenshot Instagram Story | Nadine Lustre
Source :

Instagram, Push, MSN