Kiray Celis binigyan ng “Money Cake” ang mga magulang




Image capture mula sa Facebook post ni Kiray Celis / Public Domain Image
  • Sinurpresa ng komedyanteng si Kiray Celis ang kaniyang mga magulang
  • Pinagawaan niya sila ng “money cake”
  • Katulad ng ipinahihiwatig ng pangalan nito, may lamang pera ang loob ng cake; hindi matatawaran ang kaligayahang makikita sa mukha ng mga magulang ng komedyante

Bahagi ng kalinangang Pilipino ang pagtanaw ng utang na loob at pagpapakita ng pagmamahal ng mga anak sa mga magulang. Hindi kagaya sa ibang bansa, inaalagaan pa rin natin ang ating mga magulang hanggang sa kanilang pagtanda.

Kinatuwaan ng mga netizens ang surpresa ng komedyanteng si “Kiray Celis” matapos niyang ibahagi sa kaniyang Facebook post kung paano niya napasaya ang kaniyang mga magulang dahil sa ipinagawa niyang “Money Cake” para sa mga ito.

Mapapanood dito ang kaniyang kuhang video at kitang-kita sa mukha ng kaniyang mga magulang ang kasiyahan.

Image capture mula sa Facebook post ni Kiray Celis

Kuwento ni Kiray, kaarawan ng kaniyang ama, ngunit upang hindi magselos ang kanilang ina, pinagawaan na rin nila ito ng money cake.

“Yung feeling na si Papa yung may birthday pero mas masaya sa MONEY CAKE si Mama! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! P.S. Hindi birthday ni Mama pero inisip ko baka kapag nakita niyang may hinihila na mga pera si Papa sa cake, umiyak siya hindi sa saya. Umiyak siya sa lungkot at inggit kaya binigyan na lang din namin siya,” ani Kiray.

Iba raw ang hatid na ligaya sa pakiramdam kapag nasisilayang masaya ang mga magulang.

“HAHAHAHAHAAHAHA! Yung happiness ninyo ay happiness ko rin. Mas marami pa akong ibibigay na pera sa inyo. Magsisikap pa ako lalo,” wika ni Kiray. Hindi na idinetalye ni Kiray kung magkano ang ipinalagay niyang pera sa loob ng dalawang cake.

Public Domain Image

Umani naman ito ng papuri mula sa mga tagahanga at tagasubaybay ng komedyante.

“Sana all may ganiyang anak at magulang na sumusuporta. At sana all may pera. God bless, Kiray . Talagang pinapahanga mo ‘ko sa pagiging mabuti mong anak . Love you idol,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Kiray is so kind to her family and I hope people will see that beauty in her. More blessings to you and your family!”

“Masarap po talaga sa pakiramdam na makita nating masaya ang ating mga magulang. Salute po kay Miss Kiray!” pahayag naman ng isa.

Si Kiray Celis ay nagsimula bilang child star sa ABS-CBN bago siya lumipat sa GMA Network.

Source :

Facebook