Joseph Morong ibinahagi ang draft ng kaniyang note-taking sa SONA ng Pangulo




Imahe mula sa Facebook account ni Joseph Morong
  • Walang pagdadalawang-isip na ibinahagi ni GMA reporter Joseph Morong ang draft o burador ng kaniyang pangangalap ng detalye sa 5th SONA ni Pangulong Duterte
  • Kapansin-pansin na bagama’t napakaraming pulang linya sa mga salita na nangangahulugan ng typographical errors, natuwa pa rin ang mga netizens dahil nakuha niya ang summary o buod nito
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens

Mahirap ang gawain ng isang field reporter lalo na kapag kinakailangan niyang mangalap ng mahahalagang impormasyon o detalye mula sa isang makasaysayan at natatanging pangyayari sa bansa kagaya ng pagdaraos ng State of the Nation Address ng isang pangulo ng bansa.

Kaya naman, kinaaliwan ng mga tagahanga ng GMA reporter na si Joseph Morong ang ibinahagi niyang screenshot ng draft ng kaniyang note-taking o pagtatala habang nakikinig sa 5th SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte na ginanap sa Batasang Pambansa nitong Hulyo 27, 2020. Makikita ito sa kaniyang Facebook post.

Imahe mula sa Facebook account ni Joseph Morong

“Tadah! Highlights of President Duterte’s 5th SONA,” saad ng caption ni Morong.

Bagama’t maraming typographical errors ang naturang draft dahil sa mabilisang pangangalap ng impormasyon sa pamamagitan ng Facebook Live, nakuha pa rin ni Morong ang mahahalagang detalye sa SONA ng pangulo; umabot ito ng 48 puntos batay sa kaniyang mga numero.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens.

“Nothing new. Same old story… except can’t see the logic of bases for both US and China,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Ang galing naman talaga ni Joseph Morong! Guwapo na, lodi pa. Haha gusto ko yung hindi na niya nagawa i-proofread/edit yung mga maling spelling etc, ON IT! Thanks sir sa summary.”

“Hindi ka naman namin ini-stress ah, bakit super madali ka naman yata sa pagta-type, anyways, thanks for the rundown!” pasasalamat ng isa.

Wika naman ng isa, “Thanks Joseph for sharing the highlights. Hindi ko kasi tinapos ang panonood. Hindi ko na kinaya hahaha. We were instructed pa naman to do a reaction paper regarding the President’s SONA and this is such a big help! Though, daming typo errors, pero syempre kailangan mong magmadali sa pagkuha ng details. Thanks!”

Imahe mula sa Facebook account ni Joseph Morong

Hindi pinayagan ang media na makapasok sa loob ng Batasang Pambasa bilang pag-iingat na rin sa kalusugan ng lahat.