Netizen may “humble appeal” para sa publiko: Mga pasyente ng COVID-19 sana ay irespeto




Public Domain Image
  • May “humble appeal” ang isang netizen para sa publiko
  • Huwag daw kuhanan ng video o larawan ang mga taong nagpositibo sa COVID-19 at huwag ipahiya at pandirihan ang mga ito
  • Tulungan na lamang daw sila sa pamamagitan ng pagdarasal para sa mabilis nilang paggaling 

Ang salitang positibo ay kasingkahulugan ng “optimistiko” o nagbabadya ng magandang katangian, subalit kung ito ay gagamiting deskripsyon sa kalagayang pangkalusugan lalo na sa panahon ngayon ng COVID-19, tila kabaligtaran ang kahulugan nito.

Isang “humble appeal” ang kumakalat ngayon sa social media kung saan pinaaalalahanan ang publiko na igalang o irespeto ang mga kapitbahay na mababalitaang nagpositibo o tinamaan ng COVID-19. Tulungan daw sila sa halip na pag-usapan at pahiyain.

Public Domain Image

“Dear All, A Humble Appeal! Whenever you find a person infected with COVID-19 in your neighborhood and going for quarantine or hospital for isolation, please do not take video or photo and make him feel shameful or guilty,” panimula ng post.

Sa halip na gawin ito, mas makabubuti umanong igalang ang kanilang privacy at mag-alay ng panalangin para sa kanilang mabilis na paggaling.

“Instead stand in your balcony, window or terrace and wish him good luck and a speedy recovery. Respect him/her, pray for him/her, make him/her lika a good friend/neighbor/relative, and wish him/her to get well soon,” dagdag pa nito.

Panghuli, “This disease can be cured by each other’s help and not by humiliation.”

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“This is perhaps one part of the Filipino culture that’s quite alarming to me. The shaming and bull*ing is so prevalent, it’s disheartening. In the US, people are encouraged to share their ordeal in order to help others,” opinyon ng isa.

Public Domain Image

Sabi naman ng isa, “Kaya kapag ako nakaramdam ng sintomas, hindi po ako magpapadala sa hospital. Kasi I’m sure kapag minalas ka, diretso ka na for cremation kahit ayaw ng family mo.”

“Let us support each other. Huwag po nating pandirihan ang mga tinamaan ng COVID-19. Tulungan natin silang maka-recover,” susog naman ng isa.

Sa panahon ngayon ng pandemya, kailangan natin ang suporta, paggalang, at pagmamahal ng isa’t isa.

Source :

Facebook