Howie Severino, ‘hinuli’ ng mga pulis matapos ibaba ang face mask upang uminom ng tubig




Public Domain Image
  • Hinuli ng mga awtoridad ang kilalang Kapuso journalist at COVID-19 survivor na si Howie Severino
  • Nasaktuhan kasi siya ng mga QC law enforcers na nakababa ang face mask matapos niyang uminom ng tubig
  • Napagod kasi si Howie sa pagbibisikleta kaya kinailangan niyang gawin ito

Hindi nakaligtas ang award-winning “I-Witness” investigative journalist at isa sa mga mahuhusay na news anchors ng GMA Kapuso Network na si Howie Severino na masita at mahuli ng mga awtoridad dahil umano sa paglabag sa “health protocols” matapos niyang magbaba ng face mask upang uminom ng tubig dahil sa nakapapagod at napagpapapawis na pagbibiskleta.

Ibinahagi ni Howie ang kaniyang karanasan sa kaniyang Facebook post kung saan isinalaysay niya nang maayos at mahinahon ang paninita at pagdakip sa kaniya ng mga Quezon City law enforcers nitong Miyerkules, Hulyo 8, 2020 dahil nga sa natiyempuhan siya ng mga itong nakababa ang face mask.

Imahe mula sa Facebook account ni Howie Severino

“To set some things straight, because those who briefly detained me during my bike ride have been getting bashed unnecessarily: I had been biking early this morning with 2 bambike buddies, Chris Linag and Jilson Tiu, in QC for about an hour when we stopped at a bike shop on Mother Ignacia where we ran into Luis Liwanag, famed photojournalist and fellow cyclist, who took the photos of the incident,” salaysay ni Howie.

Sa pagpapatuloy, “We were all wearing masks. We bought drinks at the store next door, and drank them after pulling down our masks below the mouth (because we have not learned to drink yet with masks on). We were all outdoors where the risk of infection is much lower than indoors and maintained at least four feet distance from each other.”

“I had just finished my drink and returned the bottle to the store before I could pull my mask back up, when at least three vehicles of QC law enforcers arrived to tell me I was talking without my mask covering my mouth and had to be brought to Amoranto Stadium for a seminar,” ani Howie.

Pagdating sa Amoranto Stadium, napansin ni Howie na napakaraming mga katulad niyang ‘violators’ ang naroon bilang bahagi ng ‘parusa’ sa paglabag. Matatandaang gumaling na si Howie sa pagkakaroon ng COVID-19 kaya ipinaliwanag niyang hindi na siya makahahawa pa dahil sa na-develop na antibodies sa kaniyang katawan.

Public Domain Image

“I am kind of glad that since QC is an epicenter of the disease in the Philippines, they are finally doing something, even if it’s a bit draconian and misguided. I even offered to give a talk at the seminar. Instead they returned my bike and told me I could go home,” bahagi pa ng salaysay ni Howie.

Sa kaniyang pagtatapos, “I have followed all other safety protocols including a long isolation and quarantine after my discharge from the hospital, until I was officially declared a recovered patient. I have donated plasma for gravely ill patients. I’m very grateful that no one I was in contact with got infected. I’m a lucky person who has gone back to doing things I like to do, including early morning bike rides.”

Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil sa nangyaring ito kay Howie. Samantala, wala pang pahayag ang Quezon City Police Districts hinggil dito.