Eye Test: Ano ang iba pang imahe sa artwork na “Parrot?




Imahe mula sa website ni Johannes Stötter
  • Namangha ang mga netizens sa isang artwork
  • Sa unang tingin, aakalaing ito ay isang parrot, isang uri ng tropikal na ibon
  • Kung pakasusuriing mabuti, ito pala ay body paint ng isang babae

May mga bagay na madali nating maunawaan dahil sa biglang tingin lamang, subalit minsan, kailangan itong pakatitigang mabuti dahil maaaring dinaraya ka lamang ng iyong mga mata, at hindi nakikita ang tunay na imahe sa likod nito.

Katulad na lamang isang pinag-uusapang artwork na nagpapakita ng isang parrot na nakadapo sa isang kahoy. Sa unang tingin, tila wala namang kakaiba sa parrot na ito maliban sa talaga namang napakulay ng mga balahibo nito at payapang nakadapo lamang.

Imahe mula sa website ni Johannes Stöetter

Subalit alam mo bang dinaraya ka lamang ng iyong paningin? Kung pakatititigang mabuti, ito pala ay imahe ng isang babae, na kinulayan lamang ang katawan upang maihalintulad sa parrot.

Iyan ay isa lamang sa mga obra maestra ni Johannes Stöetter, isang award-winning Italian body painter na kilala sa paggaya sa iba’t ibang mga hayop at mga bagay sa kalikasan bilang kaniyang subject, at ipinipinta ito sa pamamagitan ng katawan ng tao.

Isa nga sa mga sumikat na kaniyang body-paint artwork ay ang “parrot”; gayundin ang iba pang mga hayop na itinampok niya kagaya ng “geco,” “wolf,” “frog,” ‘angelfish,” at marami pang iba na maaaring makita sa kaniyang opisyal na Facebook page at website.

Ayon sa panayam sa kaniya ng site na “Impakter” na may pamagat na “A New Realm of Disguise with Johannes Stöetter,” nagsimula raw siyang magpinta noong bata pa siya.

Imahe mula sa website ni Johannes Stöetter

“I started drawing already as a small child, and soon it was very clear that I wish to become an artist. As a teenager I started painting on canvas, first with acrylic colors, later with oil colors. Also I started learning how to play the violin at the age of 7 — later I became a musician and started a band,” ani Stöetter.

Ayon sa kaniya, hindi niya sinasadyang matuklasan ang sining ng body painting.

“I did not even know that this art form existed, I just thought that it would be interesting to paint on a human body. After I tried it the first time I had the feeling that I wanted to discover this art form more deeply.”

Nakamamangha, hindi ba? Nabitin ka ba? Silipin pa ang iba niyang obra sa johannesstoetterart