Congressman Rodante Marcoleta, ipinatatanggal ang mga krus sa mga hospital




Public Domain Image
  • Gustong gawing opsyonal ni Congressman Marcoleta ang paglalagay ng mga krusipiho at iba pang imahen ng Santo sa mga hospital
  • Ito ang nakapaloob sa House Bill No. 4633 na may pamagat na “An Act Making Hanging of Religious Mementos Such as Crucifixes, in Hospital Suites Optional
  • Si Marcoleta ay kasapi ng “Iglesia ni Cristo” o INC

Nais gawing opsyonal ni SAGIP Party-list Representative at House Deputy Speaker Rodante D. Marcoleta ang paglalagay ng krus o mga imahen ng mga Santo sa silid ng mga pasyente sa mga ospital.

Ipinasa ni Marcoleta sa Kongreso ang House Bill No. 4633 na may pamagat na “An Act Making Hanging of Religious Mementos Such as Crucifixes, in Hospital Suites Optional, na naglalayong ipatanggal ang mga krus sa mga hospital na simbolo ng relihiyong Katolisismo.

Public Domain Image

Nakasaad sa explanatory note na “Presence of crucifixes in many local hospital suites appear normal but it raises serious interfaith issues. First off, the crucifix is the most salient representation of the Catholic church. Its existence in these health care institutions presupposes singular church membership,” saad sa unang talata.

Sa pagpapatuloy, “In our country, where people are ultra-sensitive about their faith, a minor swipe at their religion is such a major slight. Hence, a non-Catholic patient would be ill at ease to find a crucifix hovering in his or her room.”

Sa panghuling talaga, nakasaad na ang paglalagay ng krus o krusipiho sa loob ng silid sa mga hospital ay dapat na maging opsyonal na lamang bilang konsiderasyon sa mga pasyenteng hindi Katoliko.

Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens.

“Expression of faith is a basic right enshrine in the constitution and is promoted by all good religion. We should be tolerant and respect all people otherwise, there will be division among people,” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Hindi po ito ang dapat unahin. I believe that there is a need to address regulatory issues concerning hospitals at this point so as the health workers can focus on ministering to the needs of sick people.”

Public Domain Image

“For me, no need for this, magsasayang na naman kayo ng oras sa mga hearings, like sa pag-shutdown sa network na umpisa pa lang alam mo na ang kalalabasan dahil sa galit ng iisang tao lamang, na naki-ride on at gumanti na rin ang mga may hidden agenda!” sabi ng isa.

Wika naman ng isa, “It is the choice of the patient. He/she can request for the removal of it.”

Si Congressman Marcoleta ay kaanib ng relihiyong Iglesia ni Cristo o INC. Isa siya sa mga kongresista na “nanggisa” sa ABS-CBN franchise renewal.