Barberong gumamit ng construction tool sa paggupit ng buhok ng kaniyang customer kinaaliwan




Imahe mula sa Facebook page na Rant / Public Domain Image
  • Nagdulot ng katatawanan ang isang larawan
  • Makikitang construction tool na ang gamit ng barbero sa paggupit sa buhok ng kaniyang customer
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens

Isa sa mga naging suliranin ng kalalakihan sa panahon ng community quarantine ang paghaba at paglago ng mga buhok dahil na rin sa hindi makapagpagupit. Kasama kasi sa mga pansamantalang nagsara ang mga barber shop at salon. Dahil dito, nauso ang “quarantine looks” o mga taong may mahahaba at malalagong buho, bigote, at balbas na hindi na rin naahit.

Kaya naman, nagdulot ng kaaliwan sa mga netizens ang nakatutuwang larawang ibinahagi sa Facebook page na “Rant” kung saan makikita ang barbero na ginugupitan ang kaniyang customer gamit ang isang electric construction tool bilang panabas sa malago nitong buhok. Mukhang hindi na kinaya ng gunting at shaver? Lol

Imahe mula sa Facebook page na Rant

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Hahaha, grabe, ganiyan na ba kalago ang buhok ni Kuya para gamitan na ng barena! Hahaha,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Gupit nga ang buhok ni Manong, tapyas naman ang anit o kaya ang tenga hahahaha, be carfeful naman po Kuya Barbero!”

“So scary this hahaha, paano nga kaya kapag iyan ang ginawa ano? Gupit nga ang buhok mo, wasak naman ang anit at bumbunan mo, so huwag na lang hahaha,” pahayag naman ng isa.

Sa Pilipinas, mas pinipili ng mga lalaki na magpagupit ng buhok na may hairstyle kada ika-15 araw ng buwan. Bukod sa nakaguguwapo at kaaya-aya ito sa paningin ng iba, mas nakagagaan kasi ng pakiramdam kapag maayos ang buhok.

Public Domain Image

May mga lalaki rin na metikuloso sa paglalagay ng hair products tulad ng gel, pomada, o wax. Walang masama sa paglalagay nito subalit huwag lamang lalabis dahil maaaring maging dahilan ito ng maagang pagkapanot o pagkakalbo. Ugaliing linisin at banlawang maigi ang buhok kapag naligo upang mawala ang mga kemikal na narito.