Banat ni Agot Isidro: “We Heal Aswang”




Public Domain Image
  • May bagong sarkasmo si Agot Isidro sa pamahalaan
  • Tinawag niyang “We Heal Aswang” ang programa ng pamahalaan na “Bayanihan: We Heal As One Act”
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens

Kilala ang aktres na si Agot Isidro bilang celebrity na napaka-vocal sa pagpapahayag ng kaniyang mga reaksyon at opinyon hinggil sa mga isyu o usaping panlipunan, lalo na ang pamumuna sa mga desisyon at aksyon ng kasalukuyang administrasyon. Hindi niya iniinda kung maraming mga netizens ang nagbibigay rin ng maaanghang na komento laban sa kaniya.

Isa sa mga latest na patutsada niya ay makikita sa kaniyang Twitter post matapos niyang sarkastikong komentuhan ng “We Heal Aswang” ang isang video ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa ulat nito para sa pagresolba ng pamahalaan sa COVID-19.

Imahe mula sa Twitter account ni Agot Isidro

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“The mandate is to serve the people, what they are doing is to harass the people. We heal aswang,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Less talk less mistake. Hindi lahat ng bagay ipapa-shoulder ninyo sa gobyerno. Masyado naman kayo. Anong ambag ninyo?”

Buwelta naman ng isa, “Hoy, aling LAOSIAN ANGOT ISIDRO. Ang angot ng hitsura mo. Punta ka ibang planeta para hanap mo gusto mong government. ANGOT ka talaga. Bakit wala ka na bang career, pati ba naman pagkalaos mo ikinagagalit mo kay President Duterte. Kilabutan ka nga sa ginagawa mo.”

Samantala, sa isa pang Twitter post ay sinabi ni Agot na welcome sa kaniyang timeline ang mga bashers at trolls. Game na game siyang makipagpalitan ng maaanghang na salita sa kanila.

Imahe mula sa Twitter account ni Agot Isidro

“To all the trolls and bashers today, welcome to my timeline. Feel free to comment. Ayan ha, may ambag na ako sa sambayanang DDS,” ayon kay Agot.

Ang “We Heal Aswang” ay sarkasmo ng Bayanihan: We Heal As One Act ng pamahalaan kontra COVID-19.