Ano nga ba ang aral na mapupulot sa tagumpay ng “Through Night and Day?”




Public Domain Image
  • May makukuhang aral sa tagumpay ng “Through Night and Day” nina Alessandara de Rossi at Paolo Contis makalipas ang dalawang taon
  • Hindi kasi ito tinangkilik ng mga manonood noong una itong ipinalabas sa mga sinehan noong 2018
  • Ngayong 2020, number one trending ito sa Netflix at patuloy na tumatanggap ng magagandang feedback at mabubuting reviews mula sa mga manonood

Patuloy na pinag-uusapan ng mga Netflix subscribers ang pelikulang “Through Night and Day” nina Alessandara de Rossi at Paolo Contis, na naunang ipinalabas sa mga sinehan noong 2018 subalit hindi tumabo sa takilya. Sinong mag-aakalang makalipas ang dalawang taon ay sisikat ito at magte-trending?

Tampok ng isang Facebook page na “Ang Pera ni Juan” ang isang post na nagpapakita ng moral lesson o aral na maaaring makuha o mapulot sa tagumpay ng pelikula makalipas ang dalawang taon. Naiugnay pa ito sa marketing o pagtitinda.

Public Domain Image

“In 2018, in just 3 days, pi-null out na nila yung movie na Through Night and Day due to lack of viewers. In short, the movie failed big time, but this 2020 through NETFLIX, no.1 trending naman ito sa buong Pilipinas. May changes ba sa movie? Inupdate? Promotion? Relaunching? WALA. Pero bakit biglang successful yung movie? Ano ba binago nila? Simple lang, PLATFORM,” ayon sa post.

Sa pagpapatuloy, “Maraming movie sa Netflix ang hindi naman kasikatan pero napapasikat nito, sa dami ng naka-SUBSCRIBE. At dahil online movie na lang din ngayon ang pwede. What is the lesson here? If you are marketing or selling something, Never give up. Just change your approach.”

Panghuli, “There is probably nothing wrong with you or the product you are selling. Baka maling crowd lang yung kausap mo. Minsan naman, baka wala lang sa timing. So don’t be too hasty on throwing in the towel. Hang in there.”

Binanggit din sa post ang nangyari sa awiting “Tala” ni Asia’s Popstar Royalty Sarah Geronimo kung saan makalipas ang apat na taon, muli itong sumikat dahil sa “Tala Challenge” kung saan sinasayaw ng mga netizens ang dance steps nito na ginawa ni Teacher Georcelle ng dance crew na G-Force.

Public Domain Image

Sabi nga, “Your time to bloom and succeed will come. Don’t give up.”

Source :

Facebook