Ano-ano nga ba ang mga nagsarang kainan at restaurants dahil sa pandemya?




Public Domain Image
  • Nagsara na ang ilang mga kilalang restaurants
  • Naapektuhan ang kanilang sales dahil sa community quarantines dulot ng COVID-19
  • Umaasam ang kanilang mga customers na muli silang magbabalik 

Maraming mga restaurants na dati ay dinadayo ng mga suking customers ang labis na naapektuhan ng COVID-19 pandemic. Kaya naman, isang mabigat na pagpapasiya ang ginawa ng ilan — ang tuluyan at permanenteng pagsasara kahit na ilang taon na rin ang kanilang serbisyo.

Ano-ano nga ba ang mga restaurants na ito?

Inilista sa news site ng ANCX o ABS-CBN News Channel X ang mga kilalang restaurants na ito na karamihan ay nasa National Capital Region o NCR.

Una sa listahan ang “Centerstage Family KTV” na matatagpuan sa Jupiter Street sa Makati City, na nakilala dahil bukod sa pagiging kainan, ay maaari pang magkaraoke ang kanilang mga customers.

Imahe mula sa Instagram / Facebook

Nag-“Sayonara” na rin kaagad ang Japanese restaurant na “Chatto Bites” at hindi nabigyang-pagkakataong maipalasap ang kanilang mga bagong offerings, ayon na rin sa mismong may-ari nito na si James Antolin. Matatagpuan din sa Makati City ang burger restaurant na ito.

Sumunod dito ang “Donosti Tapas y Pintxos” na isang well-established Spanish tapas/pintxos bar na makikita sa Bonifacio Global City sa Taguig; bagama’t maaari pa ring maka-order sa kanilang limited takeout menu sa pamamagitan ng kanilang sister restaurant na “M Dining + Bar.”

Hindi rin nakaligtas dito ang “Forest House” na matatagpuan sa Baguio City, na 19 na taon nang dinarayo ng mga parokyano. Pansamantala lamang ang pamamaalam ng “Kusina Moderne” na matatagpuan sa Poblacion, at kabubukas pa lamang noong 2019. Pinasalamatan nila ang kanilang mga naging customers na piniling ipagdiwang ang mga natatanging okasyon ng kanilang buhay sa kanilang restaurant.

Isa naman sa mga dinarayong kainan sa Maginhawa Street sa Quezon City na nauna nang mag-anunsyo ng pagsasara ang “Gourmet Gypsy Art Café.” Sa loob ng limang taon, nagpaalam sila sa kanilang mga customers sa pamamagitan ng pamosong akda ni William Shakespeare na “Macbeth.”

Imahe mula sa Instagram / Facebook

Nagpahayag na rin ng pagsasara ang “Ilonggo Food Company” sa BGC subalit ang sister restaurant nitong “Kuppa Roastery and Café” ay mananatiling operational para sa kanilang mga customers. Dahil naman sa liquor ban sa Makati, nagsara na rin ang “Polilya” na nakilala sa kanilang Engkanto craft beer.

At panghuli, namaalam na rin ang “Shangri-La Finest Chinese Cuisine” sa Quezon City matapos ang 37 taong serbisyo. Magiging epektibo ang kanilang pagsasara sa unang araw pa mismo ng Agosto.

Shangri-la Chinese Cuisine Restaurant, magsasara na makalipas ang 37 taong taon

Umaasam tayo na muling magbabalik ang mga restaurants na ito na naging bahagi na rin ng panlasa ng mga Pilipino at naging lunduyan ng matatamis at masasarap na alaala.