Angono Vice Mayor Gerry Calderon, proud ‘meowdy’ sa kaniyang alagang pusa




Imahe mula kay Vice Mayor Gerry Calderon | Facebook
  • Kinatuwaan sa social media ang mga larawan ni Angono Vice Mayor Gerry Calderon kasama ang kaniyang alagang pusa
  • Ibinahagi nito gamit ang Facebook kung gaano “ka-spoiled” ang kaniyang black cat na si Muning
  • Nagbigay paalala rin ang Vice Mayor tungkol sa pagsusuot ng face mask para makaiwas sa C0VID-19 tulad ng pagsunod ni Muning sa nasabing patakaran

Labis na kinatuwaan sa social media ang mga larawan at video ni Angono, Rizal Vice Mayor Gerry Calderon kasama ang kaniyang alagang pusa.

Imahe mula kay Vice Mayor Gerry Calderon | Facebook

Sa post nito sa Facebook noong July 6, makikita ang komportableng pagtulog ng black cat na kinilalang si “Muning” sa hita ng Vice Mayor.

“Iba na ngayon pare natutulog na ngayon, dati naglalaro lang siya sa lap ko,” maririnig na sabi ng opisyal sa kausap nito sa video.

“Ganoon pare ang hayop eh. Ang hayop [dapat] inaalagaan na parang tao,” dagdag pa niya.

Kapansin-pansin ang limitadong paggalaw ng Vice Mayor sa kaniyang puwesto, tulad ng ginagawa ng ibang “purrents,” upang hindi maistorbo ang mahimbing na tulog ng alaga.

Sa tulong rin ni Muning, nagbigay ng paalala si Vice Mayor Calderon sa kabataan tungkol sa pagsusuot ng face mask upang makaiwas sa sakit tulad ng C0VID-19.

“Wear mask daw sabi ni Muning. Napakiusapan ko kasi na isuot niya mask para iwas sakit,” sabi nito sa post.

“Matagal ko siya nakumbinsi bago siya sumunod. Kung si Muning ay napagsuot ko ng mask, dapat kayong mga bata magsuot din kayo ng mask para maging ligtas kayo sa C0VID,” paalala niya.

Umani naman ng mga positibong komento ang larawan at video ng Vice Mayor kasama ang kaniyang alagang pusa.

Imahe mula kay Vice Mayor Gerry Calderon | Facebook

“Animals can sense energy. At peace na at peace si Muning sa iyo. Radiating the calm energy back to you,” ani RV.

“Cool lang. Stress reliever iyan. Keep up the good work!” sabi ni AC.

“Galing Mayor Vice Calderon. Sana po lahat aware sa halaga ng mga animals. Thumbs up po [sa tulad niyong] cat lover,” ayon naman kay ES.