Anak ibinida ang kaniyang nanay na ‘tinalakan’ ang electric company upang mapababa ang bill




Imahe mula sa Facebook acount ni Merv Dela Cruz / Public Domain Image
  • Pinag-usapan ng mga netizens ang naging estratehiya ng isang ina upang mapababa ang tumaas na electric bill
  • “Tinalakan” umano nito ang branch ng MERALCO na mas matapang pa umano sa sikat na ina ng celebrity sisters na sina Toni at Alex Gonzaga
  • Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens

Isa ka rin ba sa mga nagtaas ng kilay at nabigla dahil lumobo ang kinakailangang bayaran para sa inyong MERALCO bill?

Ibinahagi ng isang netizen na nagngangalang “Merv Dela Cruz” sa kaniyang Facebook post kung paano raw “tinalakan” ng kaniyang ina ang mga “awtoridad” sa MERALCO upang mapababa lamang ang kanilang electric bill mula P13, 000 pababa sa P1, 500.

Imahe mula sa Facebook acount ni Merv Dela Cruz

“Y’ALL, NANAY KO YAN!!! Talak kung talak ang nanay mong Violeta sa Meralco para lang ayusin yang bill na ‘yan. Hahahaha. Nahiya si Mommy Pinty sa taray ng nanay ko,” ayon sa caption ng post.

Kalakip ng kaniyang post ang screenshot naman ng Facebook post ng kaniyang inang si Mommy Violeta na tinalo raw si Mommy Pinty Gonzaga, ang ina ng celebrity sisters na sina Toni at Alex Gonzaga.

Ayon sa caption ng Facebook post ni Mommy Violeta, “From 13,000 peso bill to adjusted 10,000 peso (but still unjustifiable) now down to only 1, 500 pesos (actual March to May consumption). I can finally sleep in ease.”

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Good noon sir, puwede po bang mahiram nanay nila? Hahaha!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Bakit sa akin, ganiyan din ginawa ng nanay ko pero wala namang nangyari? May kinatatakutan silang nanay na matalak? Hahaha,” pahayag ng isa.

Saad naman ng isa, “Legit? Ginawa na ng asawa ko yung letter na i-CC ang Malacanang pero wala pa rin eh. Triple nilaki ng bill namin ng May. June malaki pa rin… Kainis!”

Public Domain Image

Netizen may tips sa pagbabayad ng lumobong electric bill

Matatandaang isang netizen ang nagbigay ng kaniyang tips sa kung paano maipapahatid ang concern na ito sa pamunuan ng MERALCO  upang agad na maaksyunan. Sinabi niyang sa pamamagitan ng e-mail, idetalye ang concern at huwag kalimutang isama ang kuhang larawan ng bill. Padalhan ng kopya nito ang e-mail ng Malacanang.

Consumers na sobra ang naibayad tiyak na may refund – Meralco

Samantala, tiniyak ng Meralco sa mga consumers nito na mag-iisyu ng updated electricity bills na base sa ginawang meter reading ngayong buwan ng Mayo at ang mga customers na nakapagbayd ng “overestimated bills” ay makakakuha ng refund.