ABS-CBN President at CEO Carlo Katigbak, “katangi-tanging lalaki” para sa mga netizens ngayong 2020




Imahe mula sa Twitter
  • “Katangi-tanging Lalaki para sa 2020” si Carlo Katigbak para sa maraming netizens
  • Dahil umano ito sa “grace under pressure” na ipinamalas niya sa pagtatanggol para sa franchise renewal ng ABS-CBN Kapamilya Network
  • Naitalaga siya bilang bagong President at Chief Executive Officer ng ABS-CBN noong 2015 matapos magretiro si Charo Santos–Concio

Bagama’t hindi napagbigyan ng Kamara ang pagkakaroon ng prangkisa ng ABS-CBN upang muling maka-ere ang mga programa sa free TV, tumatak naman sa isip at puso ng mga netizens ang kanilang Presidente at CEO na si Carlo L. Katigbak dahil sa pagpapamalas niya ng “grace under pressure” sa buong panahon ng Congress hearing.

Para sa maraming netizens, katangi-tangi at kahanga-hanga ang naging composure si Katigbak sa pagharap sa mga tanong ng ilang mga Kongresista patungkol sa mga isyung ibinabato sa Kapamilya Network. Para sa Twitter user na si “Yuan Gonzales,” nararapat na hiranging “Sexiest Man of the Philippines for 2020″ si Katigbak dahil sa ipinakita niyang “nonchalant attitude.”

Public Domain Image

“I’m undoubtedly nominating Sir Carlo Katigbak as the sexiest man of the Philippines this year for exhibiting such nonchalant attitude like, ‘grace under pressure’— a thing that most men lacks. I don’t care about these celebs, he’s the hottest man of the year,” ayon sa kaniyang Twitter post.

Bagay na sinang-ayunan naman ng ilan.

“Humility is the greatest thing a man can have. Go Sir Carlo! Hehe,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “True, iba ang karisma niya. I can’t believe a guy can be classy and attractive at the same time. I think it’s the way he carries himself and the way he speaks that makes him super attractive. I could resist his charm!”

“I definitely agree. That is what we call breeding; so much lacking in some supposed gentlemen,” wika naman ng isa.

Pahayag naman ng isa, “I’m very much impressed with this man, he had the sublime confidence facing and fighting for his people. Sana lahat kasing talino mo, nakakapogi lalo.”

Public Domain Image

Ipinanganak noong Abril 24, 1970 si Carlo Joaquin Tadeo Lopez Katigbak na nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Management Engineering sa Ateneo De Manila University noong 1991, at nakompleto ang Advanced Management Program sa Harvard Business School noong 2009.

Masasabing malawak na ang kaalaman at karanasan ni Katigbak sa management. Una siyang naging financial analyst sa First Pacific Capital Corporation noong 1992. Nagsilbi siya bilang Vice President for Provincial Operations ng kompanyang Sky Cable noong 1998 at bilang Chief Operating Officer o COO nito mula 2005 hanggang 2012, at naging President nito noong 2013.

Noong 1999, naging Managing Director siya ng ABS-CBN Interactive, at dinala ang broadcasting sa online at mobile business, patungo sa makabagong platform upang makasabay sa digital age. Naitalaga siya bilang bagong President at Chief Executive Officer ng ABS-CBN noong 2015 matapos magretiro si Charo Santos–Concio.

Bagong “Crush ng Bayan”: Sino nga ba si ABS–CBN President and CEO Carlo L. Katigbak?