Wala pang Pasko pero si Jose Mari Chan, may regalo at donasyon na para sa mga mag-aaral at kababayan niya




Larawan mula sa YouTube
  • Ipinadama ni Jose Mari Chan ang diwa ng Pasko kahit malayo pa ang Ber months
  • Nag-donate kasi siya sa GMA Kapuso foundation para sa ayuda sa mga kabataan
  • Ito raw ang naisip niyang paraan para makatulong nang hindi kinakailangang lumabas ng kanyang tahanan

Kapag malapit na ang Ber months, siguradong laman ng memes ang singer at songwriter na si Jose Mari Chan. Itinuturing na kasi siyang icon ng Philippine Christmas dahil sa kanyang timeless song na Christmas in Our Hearts na kahit saan sa bansa ay pinatutugtog kapag panahon ng Kapaskuhan.

Ngunit kahit malayo pa ang Ber months, naramdaman na ng ilang Pilipino, partikular ng mga mag-aaral, ang presensya ng nag-iisang Jose Mari Chan. Isa kasi siya sa mga major sponsor ng unang batch ng proyekto ng GMA Kapuso Foundation para sa mga mag-aaral.

Larawan mula sa YouTube

Sa isang ulat sa GMA newscast na 24 Oras, inilahad ng Kapuso Foundation na bagaman ay mayroong new normal sa mga paaralan ngayon dahil sa pandemya, tuloy pa rin ang tradisyon nila ng pamimigay ng tulong sa mga mag-aaral.

Kaiba lang sa mga nakaraang taon, maliban sa mga school supplies at bag, mayroon na ring kasamang hygiene kits ang ipinamimigay nila bilang panlaban ng mga bata sa pandemya. Kalakip ng school bag na handog ng GMA ay ang dalawang washable face mask, germicidal soaps, at rubbing alc0h0l.

Ayon sa ulat, nasa 80,000 mag-aaral sa Kinder hanggang Grade 2 ang nakatakdang mabigyan sa unang batch ng proyekto. At isa sa mga donors ay ang isa sa mga best selling singers sa bansa na si Jose Mari.

Sa pahayag sa singer, sinabi nitong dahil siya ay isa nang senior citizen at kasama sa itinuturing na high risk ngayon dahil sa C0VID-19, minabuti niyang maghanap ng paraan upang makatulong sa mga kababayan niya nang hindi na lumalabas ng bahay.

Larawan mula sa YouTube

Naisip niya raw na tumulong na lamang sa GMA Kapuso Foundation dahil tiwala raw siya rito at isang mabisang paraan daw ang network upang makapaghatid ng tulong sa mga nangangailangan na mayroong daily update sa 24 Oras.

Sa dulo ng panayam, naghandog pa si Jose Mari ng isang awitin para sa kanyang mga fans. Dahil sa tulong na bigay ng idolo, maraming bata ngayon ang ramdam na kahit papaano ang Kapaskuhan dahil sa pagbibigayan na diwa ng pagdiriwang na ito.

Panoorin ang panayam kay Jose Mari Chan:

Source :

YouTube, GMA News