VP Leni nagbigay ng ilang tips kung paano makatutulong sa panahon ng pandemya




Public Domain Image
  • Ibinahagi ni VP Leni Robredo ang tips ng isa niyang kaibigan kung paano makatutulong sa panahon ng pandemya
  • Isa na rito ang pagtangkilik sa mga produktong lokal upang matulungan ang mga naghahanapbuhay na nawalan ng pagkakakitaan
  • Panatilihin daw ang physical distancing ngunit huwag ang social distancing, o ang pakikipagkapwa-tao

Isa si VP Leni Robredo sa mga opisyal ng pamahalaan na gumagawa ng pansariling inisyatiba upang makatulong sa mga nangangailangan at naapektuhan ng COVID-19 pandemic. Sa limitadong pondo para sa kaniyang tanggapan, nakagagawa siya ng paraan kasama ang kaniyang team upang makahanap ng mga solusyon sa maraming mga suliraning sumusulpot dahil sa aftermath ng halos apat na buwang community quarantines.

Kaya naman, ibinahagi ni VP Leni sa kaniyang Facebook post ang mga practical suggestions ng kaniyang kaibigang si Jocelyn Badiola kung paano makatutulong sa kapwa sa sitwasyong maituturing na “extraordinary times.”

Public Domain Image

“Copied this from the post of my friend, Jocelyn Badiola. Very practical suggestions on how we can help in these extraordinary times,” panimula niya sa kanyang mensahe.

Una na rito ang pagtangkilik sa mga produktong Pilipino. Suppor local goods at bumili sa mga nagtitinda nito. Kung may kakayahan namang bumili ng maramihan, gawin ito dahil maaaring ito ay kabuhayan na para sa iba.

“Hire people for even the most mundane work, even if you can do it yourself. Buy that ‘walis’ being sold by peddlers selling their wares near your village gates, you will need it soon. Buy those flowers being sold by ‘ate’ in the streets, and give it to your loved one! Buy that ‘trapo’ from the kids in the streets, even if you have canisters of microfiber cloths at home,” aniya.

Sumunod, “Don’t bargain too hard, they have 3 months of catching up. Let’s support restaurants, barber shops, clothing stores and all business establishments within our reach who are slowly re-opening their commercial lives. Be overly generous with your tips and offer kind words like ‘I miss being here’ (and see their eyes light up through their masks).”

Public Domain Image

Sa pagpapatuloy, “Buy an extra meal or two and offer it to the unemployed, stranded, or anyone hungry begging for their next meal. Appreciate the servers, salesmen, security guards, waiters, deliverymen, ‘wash/watch-your-car boys,’ and everyone else you meet on the street for what they do. You have no idea what struggles they are going through.”

Huling paalala pa, “Practice physical, NOT SOCIAL distancing. Share this and let’s all contribute and pull this country out of recession.”

Wala namang masama kung gagawin natin ang mga ito hindi ba? Sa huli, tayo-tayo rin ang magtutulungan.

Source :

Facebook