Senadora Nancy Binay nagpahayag ng saloobin hinggil sa online modality ng mga klase




Public Domain Image
  • Nagpahayag ng saloobin si Senadora Nancy Binay hinggil sa kahandaan ng DepEd sa pagpapatupad ng online classes 
  • Aniya, dapat daw ay pag-aralang mabuti kung kakayanin ba ang online modality sa mga lugar na may mababang signal; masasayang lamang daw ang oras at effort kung ipagpapatuloy ito
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens

Sa unti-unting pagbabalik ng lahat ng sektor ng lipunan sa tinatawag na “New Normal” sa kabila ng COVID-19 pandemic, isa sa mga maiinit na isyu ngayon ang muling pagbubukas ng mga klase para sa taong pampanuruan 2020-2021 sa pamamagitan ng online learning. Ito ay bilang pagtalima ng Department of Education o Deped sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte, na huwag simulan ang pisikal na pagkaklase hangga’t walang vaccine.

Kaya naman, lahat ay naghahanda na sa bagong modality ng pagtuturo, bagama’t marami pang butas at tanong kung magiging matagumpay ba ito, lalo na sa mga pampublikong paaralan, partikular sa mga liblib na lugar na hindi naaabot ng internet at walang makabagong devices ang mga tao.

Public Domain Image

Kaya naman, hindi napigilan ni Senadora Nancy Binay na magbigay ng kaniyang saloobin hinggil dito, direkta sa DepEd sa kanilang Senate hearing noong Hunyo 26, 2020. Makikita rin ito sa Facebook page ng senadora. Ayon sa cpation, “We reiterate the need for DepEd to take a more targeted approach in identifying which mode of learning would be implemented in areas across the country.”

Giit pa ng senadora, “Iyong training na ginagawa ninyo sa teachers, dapat angkop doon sa kakayahan ng lugar. For example, let’s say sa Bukidnon o Cordillera na alam naman natin mahirap ang signal. Kung alam naman natin na walang signal, why waste time and effort for an online modality?”

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

Turan ng isa, “Agree, Senator Nancy! Let’s fast track and lose no time to study on how to be effective and efficient in the modality of teaching which is applicable to the area concerned.”

“I think I’ve said this before, in places, like Mt. Province and the secluded islands in Coron na wala naman talaga case of COVID-19 and yes! Signal, regular classroom set up pa Rin sana. Maging flexi dapat panuntunan,” saad naman ng isa.

Public Domain Image

Pahayag naman ng isa, “May option naman po to use hard copies of the training modules. This is dependent kung ano yung pinili ng student during the enrollment.”

Ayon sa DepEd, may kalayaan ang mga magulang at mag-aaral kung anong modality ang nais nila, batay sa survey nila noong enrollment. Kapag hindi maisasakaturapan ang online modality, maaari nilang piliin ang modular o pagkuha ng modules mula sa paaralan upang hindi na kailanganin pa ang internet access at pagbili ng bagong device.

VP Leni nanawagan ng tulong para sa pagbuo ng mga kagamitang panturo sa online class

Samantala, ang tanggapan naman ng Pangalawang Pangulo Leni Robredo ay nagsasagawa ng isang proyekto na may layuning mangalap ng mga donasyon na second-hand devices o gadgets gaya ng smartphones, laptops, at tablets para maipamahagi sa mga guro at mag-aaral na nangangailangan nito.