Seaweed sa ramen, inihambing sa isang uri ng panghugas ng mga pinagkainan




Imahe mula sa Facebook page na Trixie TV/ Public Domain Image
  • Napagkamalang “Scotch Brite” o kilalang brand ng panghugas ng mga pinagkainan ang “Nori” o edible sea weed
  • Ang Nori ay kadalasang ginagamit bilang pambalot sa sushi at pandagdag ng flavor sa ramen at iba pang uri ng soups
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.¬†

Isa sa mga paboritong Asian food ng mga Pilipino ang ramen. Iba-iba man ang variants nito, isa sa mga hindi nawawalang sangkap nito ang Nori o seaweed na talaga namang malinamnam.

Kaya naman, nagdulot ng katatawanan ang isang larawang ibinahagi sa Facebook page na “Trixie TV” kung saan makikita ang isang larawan ng katakam-takam na ramen: kaya lang, tila binilugan ang sea weed at inihambing ito sa isang uri ng panghugas ng mga pinagkainan o sponge.¬†Nakalagay sa caption nito, “Tanong lang po bakit may Scotch Brite?”

Imahe mula sa Facebook page na Trixie TV/ Public Domain Image

Ang Scotch Brite ay isang sikat na brand ng panghugas ng pinggan na nahahati sa dalawa: isang soft sponge at isang scouring pad na kulay luntian. Ginagamit ang bahaging ito sa pag-is-is ng mga nanigas na dumi gaya ng mumo sa pinggan, sebo, at iba pa. Kahawig nga naman ng mga Nori o sea weed na kadalasang inilalahok sa mga ramen!

Umani naman ito ng nakatutuwang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Ang bright naman nito? Hahaha. Sabagay, kahawig nga hahaha,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Uy masarap iyang Nori ah… hindi po iyan panghugas ng mga plato hahaha. Iyan ang isa sa mga paborito ko sa ramen.

Tinatawag na “Nori” ng mga Japanese ang edible seaweed na ito na kadalasang ginagamit bilang rolyo sa paggawa ng mga sushi at onigiri. Sa Korea naman, inilalagay ang Nori sa ramen, noodles, at iba pang mga uri ng soup bilang garnish o pandagdag ng flavor, kagaya ng ipinakita sa larawan.

Public Domain Image

 

Bagama’t masarap, hindi naman hinihikayat ang madalas na pagkain nito. Nagtataglay kasi ang Nori ng toxic metals (arsenic at cadmium), gayundin ng amphipod allergens na maaaring pagmulan ng allergic reactions, lalo na sa mga “highly sensitized crustacean-allergic people.”