“Red Power Ranger” nagpakain ng lugaw at tinapay sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan




Imahe mula sa Facebook account ni Red Montefalcon
  • May surpresa ulit si “Red Power Ranger” sa kaniyang mga kababayan
  • Nagpakain siya ng lugaw at tinapay para sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan
  • Una siyang nakilala dahil sa pamamahagi niya ng tulong at saya sa kaniyang mga kababayan habang nakasuot ng Red Power Ranger bilang costume noong ECQ

Nagpamahagi ng libreng lugaw at tinapay ang tinaguriang “Red Power Ranger ng Laguna” na si Red Montefalcon kaugnay ng pagdiriwang ng kaniyang kaarawan noong Hunyo 26, 2020.

Ibinahagi niya sa kaniyang Facebook post ang kaniyang surpresang libreng pa-lugaw at pa-tinapay sa kaniyang mga kababayan.

Imahe mula sa Facebook account ni Red Montefalcon

“Libreng LUGAW at TINAPAY po para sa lahat! Salamat VM Rexon Arevalo for making this possible. Salamat din Sir Albrian Albarico, Sir Edwin Guevarra and Haypee Piñero, Jundy Rotal, Konsehal Danny Dorado BA Isla, Jonas Avila and Mother Earth… Happy Birthday to me!” ayon sa kaniyang caption.

Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens na nagpaabot ng pagbati para sa kaniya.

“Napaaga ang daan namin noon eh, hindi pa luto ang lugaw kaya tinapay lang inabot namin hehe… Pero syempre thank you po… Belated happy birthday!” pagbati ng isa.

Turan naman ng isa, “Lodi happy birthday! Just continue being an inspiration to others! Proud sa iyo ang buong Nagcarlan, Laguna. Ingat ka rin!”

Imahe mula sa Facebook account ni Red Montefalcon

Si Red Power Ranger na taga-Barangay Palayan sa Nagcarlan, Laguna ay nakilala dahil sa pamamahagi niya ng tulong at saya sa kaniyang mga kababayan habang nakasuot ng Red Power Ranger bilang costume. Siya ay isang Overseas Filipino Worker sa Italy  na naabutan ng lockdown dahil sa Enhanced Community Quarantine.

“Red Power Ranger” namataang nagbibigay ng tulong at saya sa Laguna

Ang karakter na si Red Ranger na ginamit ni Red Montefalcon ay nagmula sa palabas na “Mighty Morphin Power Rangers”, isang American superhero children’s television series noong 90’s, at naipalabas din sa Pilipinas. Ginampanan siya ni Jason Lee Scott. Si Red Ranger ang itinuturing na orihinal na pinuno ng Power Rangers.