Proud lokal! Handwoven face mask na may kasamang Itneg embroidery, ibinibenta ngayon sa Abra




Imahe mula sa Revival Dye | Facebook Imahe mula kay Pia Labrador | Facebook
  • Ibinibenta ngayon sa Abra ang mga handwoven face masks na may kasamang Itneg embroidery
  • Nagawa umano ang mga ito sa pagtutulungan ng mga mag-aaral mula sa School of Living Traditions (SLT) sa ilalim ng National Commission for Culture of the Arts, ng Namarabar Indigo Natural Dye Producers Cooperative (NINDPC) sa Abra, at ibang ahensiya ng pamahalaan
  • Maaaring ma-order ang face mask sa halagang P200 pesos isa sa pamamagitan ng pag-contact sa nangangasiwa ng produksiyon nito

Patok na produkto ngayon sa Abra ang ibinibentang handwoven o gawang-kamay na face mask na may kasamang Itneg embroidery ng mga Kalinga weavers.

Imahe mula kay Pia Labrador | Facebook

Sa post ng netizen na kinilalang si Pia Labrador a Facebook noong May 28, ibinida nito ang mga nabiling face mask mula mismo sa Abra.

“Look what came in the mail! I bought these beautifully handcrafted face masks directly from Itneg weavers in Abra,’ aniya.

“The natural fibers are soft and comfortable against the face, and there are built-in filter pockets for added protection,” dagdag niya.

Nabili umano ito ng netizen mula sa mga kasalukuyang nangangasiwa sa pagbebenta ng produkto online sa naturang probinsiya.

Ayon naman sa Facebook user na nagngangalang Revival Dye, nagawa ang mga face masks sa pagtutulungan ng mga mag-aaral mula sa School of Living Traditions (SLT) sa ilalim ng National Commission for Culture of the Arts at Namarabar Indigo Natural Dye Producers Cooperative (NINDPC) sa Abra.

Katuwang rin sa pagbuo ng masks ang iba pang ahensiya ng pamahalaan tulad ng Department of Science and Technology (DOST) at Department of Labor and Employement (DOLE).

Ibinahagi pa nito ang ilang larawan sa paggawa ng produkto, pati na rin ang mga yari nang face mask ng Itneg weavers.

Imahe mula sa Revival Dye | Facebook

Para sa mga nais mag-order, maaari lamang na contact-in si Nida Agaid sa phone number na 0935-540-8089.

Mabibili ang face mask sa halagang P200 kada piraso.