Pagdarasal nang magkakasama ng isang pamilya, ginagawa pa ba?




Imahe mula sa Facebook page na Papa / Public Domain Image
  • Mahalaga ang kasabihang “A family that prays together, stays together”
  • Iyan ang dulot na paalala ng isang larawan sa Facebook page na “Papa”
  • Mahalagang maituro ang pagdarasal sa mga anak habang sila ay bata pa at nang makasanayan nila hanggang sa kanilang paglaki at pagtanda

Isa sa mga gawaing hindi dapat kinaliligtaan ng sinuman ay ang pagdarasal. Ayon sa katuruan ng lahat ng relihiyon, ito ay ang libre, mabilis, personal, at sagradong paraan ng pakikipagkomunikasyon o pakikipag-ugnayan ng isang nilalang sa kaniyang Dakilang Tagapaglikha o itinuturing na Diyos.

Posible raw na “makapagpalipat” ng isang bundok ang sama-samang panalangin. Ayon nga sa metaporikal na pagpapakahulugan nito, kayang-kayang masolusyunan ang gabundok na suliranin basta’t nagkakaisa sa pagdarasal. Kaya nabuo ang sikat na linyang “A family that prays together, stays together.” Subalit ang tanong: ginagawa pa ba ito? Iyan ang tinugunan ng mga netizens batay sa larawang makikita sa Facebook page na “Papa”.

Imahe mula sa Facebook page na Papa / Public Domain Image

“Every 6:00 PM we always pray the rosary with our Mom, para mapagaan ang mga problema. Orasyon ang tawag diyan. Hopefully ginagawa pa rin lalo na at times like this na napaka-uncertain ng mga nangyayari sa paligid, dapat talaga nagdarasal tayo. Hindi natin alam kung kailan ang ating katapusan,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Yes, I think nagdarasal pa rin naman ang ilang mga pamilya nang sabay-sabay. It really helps talaga. Nagkakaroon ng malakas na bonding ang bawat pamilya para maging matatag sa lahat ng pagsubok na maaaring dumating sa sambahayan. This is a good tradition na hindi dapat mawala kahit maging moderno pa ang panahon.”

“Oo naman. We make sure na nagagawa namin ang pagdarasal nang sama-sama para manatiling buo ang pamilya. Sabi nga, ‘pray hard it works’. Saka napatunayan ko ring totoo ang salawikaing ‘Nasa Diyos ang awa, Nasa tao ang gawa’. We have to pray, pray, and pray kasi minsan nakakalimutan na natin Siya sa sobrang kaabalahan natin,” paalala naman ng isa.

Public Domain Image

Napakasayang tingnan ang isang pamilyang sama-samang nagdarasal at isinasagawa ang mga aktong panrelihiyon. Katulad na lamang ng isang napabalitang pamilya na hindi pinalagpas ang pagkakataong magsagawa ng station of the cross sa loob ng kanilang bakuran, dahil sa ipinatutupad na enhanced community quarantine noong Semana Santa.

Isang pamilya nagsagawa ng “Station of the Cross” sa bakuran ng bahay

Tandaang nagsisimula sa pamilya o loob ng tahanan ang pagtatamo ng kagandahang-asal ng mga anak, na dadalhin nila sa kanilang paglaki, at kapag bumuo na sila ng sariling pamilya. Habang nasa murang edad pa lamang kailangan na silang mabantad sa mga gawaing ito, na ipapasa nila sa mga susunod pang henerasyon.