Netizen napagkamalang babae ang tropang lalaki dahil sa “FaceApp”




Imahe mula sa Facebook account ni Jude Balagbis / Public Domain Image
  • Napagkamalang babae ng isang lalaki ang kaniyang katropa
  • Ginamit kasi nitong profile picture sa Facebook ang isang larawan naa idinaan sa faceapp
  • Ang FaceApp ay isang photo at video editing application para sa iOS at Android na ginawa ng Wireless Lab

Isa sa mga kinahihiligan ngayon ng mga netizens ang paggamit ng “FaceApp.” Nakatutuwa naman talaga kasing malaman at makita kung ano ang magiging hitsura mo kapag iba ang iyong kasarian. Sa pamamagitan lamang ng pagdownload nito sa mga mobile phones, kayang–kaya nang gawin ang ultimate transformation.

Kaya naman, dahil sa FaceApp na ito ay may isang lalaking netizen na napagkamalang babae ang kaniyang tropa. Makikita ito sa larawang ibinahagi ng isang netizen na nagngangalang “Jude.” Batay sa conversation, sa pag–aakalang kung sinong magandang babae ito, nagpadala siya ng”wave” sa personal message nang kaniyang makipagkilala sana.

Imahe mula sa Facebook account ni Jude Balagbis / Public Domain Image

Agad namang tumugon ang naturang netizen na napagkamalang babae. Ginamit daw kasi niyang profile picture sa Facebook ang kinalabasan ng FaceApp. Paalala tuloy ng nagbahaging Facebook user, “Sa pangalan kasi tumingin huwag sa mukha hahahahahahahaha.”

Ang FaceApp ay isang photo at video editing application para sa iOS at Android na ginawa ng Wireless Lab; isang kompanyang nakabase sa Russia. Layunin nitong gumawa ng mga highly realistic transformations ng mukha ng mga tao sa mga larawan batay sa artificial intelligence.

Kaya ng app na “mapangiti” ang mukha sa larawan, mapa–mukhang bata o matanda, o mapapalitan ng kasarian batay sa feature ng mukha ng gagamit nito.

Noong 2017 lumabas ang FaceApp para sa iOs at Android, pero ngayong Hunyo 2020 ay muli itong sumikat; dulot na rin marahil ng pagkabagot sa napakatagal na community quarantines.

Public Domain Image

Mga babala tungkol sa posibleng panganib sa paggamit ng FaceApp

Samantala, nagbabala naman ang PNP Region 12 sa posibleng panganib na dala ng paggamit ng FaceApp. Posible umanong makompromiso ang mga personal na detalye ng sinumang user ng naturang mobile application. Ayon sa isang abogado, ang facial features ay personal data rin.