Netizen hinggil sa senyales ng pagtanda: “Kapag parang Toy Kingdom ang Ace Hardware”




Imahe mula sa Facebook account ni Thursday / Public Domain Image
  • May senyales daw ang pagtanda, ayon sa isang netizen
  • Ito raw ay kapag parang “Toy Kingdom” na ang “Ace Hardware”
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento 

Isa sa mga kinahihiligan natin noong mga bata pa tayo ang mga iba’t ibang uri ng laruan. Kaya naman paborito nating puntahan ang mga tindahan ng mga laruan, partikular na ang “Toy Kingdom”. Nakaramdam din tayo na parang masarap manirahan na lamang dito dahil masaya lamang sa pakiramdam.

Subalit habang nagkakaedad ang tao, nababago rin ang interes at mga gusto nito. May ilan pa rin namang nahihirati sa mga laruan subalit ginagawa na lamang itong koleksyon.

Ayon sa Facebook post ni Thursday Daus Macrohon, senyales daw na “may edad” ka na kapag pakiramdam mo ay Toy Kingdom ang “Ace Hardware.”

Imahe mula sa Facebook account ni Thursday Daus Macrohon

“Alam mong matanda ka na pag feeling mo yung Ace Hardware parang Toy Kingdom,” ayon sa caption ng Facebook post; bagay na “relate–much” naman sa mga netizens kaya nagbigay sila ng reaksyon at komento hinggil dito.

“Totoo naman! Dati, kapag nasa Toy Kingdom ako, ayoko nang umuwi sa bahay. Habang nagkakaedad, nawala na ang interes ko sa mga laruan. Tapos noong nagkapamilya na ako at nagkaroon ng sariling bahay, mas gusto ko na lang tumambay sa Ace Hardware o kaya sa Office Warehouse para magtingin–tingin ng mga gamit sa bahay,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Ako naman bilang misis na, nagniningning talaga ang mga mata ko kapag nakakakita ako ng mga kitchenware. Iyan ang una kong pinupuntahan kapag nasa supermarket kami ng asawa ko. I make sure na nakakabili ako ng bagong lalagyan ng ulam, kutsilyo, almirol, utensils, sandok, siyansi, hahaha…”

“Tama naman. Mas gusto mo nang bumili ng mga tunay na mapapakinabangan sa bahay kagaya ng mga tools na magagamit sa pagkumpuni,” wika ng isa.

Public Domain Image

Ang Ace Hardware Corporation ay isang American hardware retailers’ cooperative na nagsimula sa Oak Brook, Illinois, United States. Itinuturing itong “world’s largest hardware retail cooperative” at “largest non-grocery American retail cooperative.”