Museum sa Pampanga, panandaliang inaalagaan ang naliligaw at cute na bisita




Imahe mula sa Museum of Philippine Social History Facebook page
  • Kasalukuyang inaalagaan ng isang museum sa Pampanga ang napadpad na pusa sa loob ng kanilang establisyemento habang hinahanap pa ang tunay na may-ari nito
  • Tinawag naman nila ang kanilang naliligaw ngunit cute na bisita sa pangalang Kenya
  • Nanawagan ang museo sa publiko ng tulong upang makauwi na si Kenya sa permanente niyang tahanan

Nanawagan ng tulong ang isang kilalang museum na matatagpuan sa Pampanga para mahanap ang may-ari ng nawawalang pusa na napadpad sa loob ng kanilang establisyemento.

Imahe mula sa Museum of Philippine Social History Facebook page

Sa pamamagitan ng isang post, ipinaalaman ng Museum of Philippine Social History Facebook page ang pagkakaroon nila ng hindi inaasahang bisita sa kasagsagan ng pagsasara nila ng pinto sa publiko.

Tinawag nila ang kanilang naliligaw ngunit cute na bisita na isang pusa sa pangalang Kenya.

“Even though our museum is closed to the public, we opened our doors to receive a feline museum visitor named Kenya!” mababasang caption ng museo sa post.

“Before letting him in we took precautionary measures by checking his temperature, and asked to clean his paw with alcohol to disinfect it,” dagdag nito.

Makikita naman sa mga larawan in-upload ng Museum of Philippine Social History ang paggamit nila ng thermal scanner upang tignan ang temperatura ni Kenya.

Kasama rin sa post ang ilang mga litrato ni Kenya habang naglilibot iba’t ibang sulok ng gusali na para bang nais matuto tungkol sa mga aral ng kasaysayan.

Batid umano nila na maaaring naliligaw lang ang pusa lalo’t may suot na itong collar nang mapadpad sa kanilang gusali.

Museum of Philippine Social History Facebook page

Humingi naman sila ng tulong upang mahanap ang nagmamay-ari sa pusa at makauwi na sa kaniyang permanenteng tahanan.

“He is lost and looking for his owner. Please help him find his way back home by sharing this,” panawagan ng museum.

Source :

Facebook