Miami Police lumuhod sa harapan ng mga Amerikanong nagkikilos-protesta para kay George Floyd




Imahe mula sa Facebook account ni Ivan Bruce Ssendege / Public Domain Image
  • Lumuhod ang kapulisan ng Miami sa mga nagpoprotesta dahil sa pagyao ni George Floyd
  • Naging emosyunal ang tagpong iyon lalo pa’t bibihirang pagkakataon ang makitang lumuhod bilang tanda ng pagpapakumbaba ang mga pulis
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens

Sanay tayong makakita na kapag may kilos-protestang nagaganap sa mga pangunahing lansangan, tiyak na nakaharang na ang mga pulis upang matiyak ang kaligtasan at katiwasayan ng lahat, dahil bahagi ng demokrasya ang kalayaan sa pagpapahayag ng damdamin. Subalit nakakita ka na ba ng mga pulis na sa halip na paalisin ang mga taong nagpoprotesta ay lumuhod pa sila sa harapan ng mga ito?

Iyan ang ibinahagi ng isang American netizen na nagngangalang “Ivan Bruce Ssendege” matapos ang pagluhod ng mga Miami Police officers sa harapan ng mga taong nagpoprotesta dahil sa pagtatapos ng buhay ng isang mamamayan na si George Floyd at sa diumano’y diskriminasyong nangyayari sa America.

Ibinahagi niya ito sa kaniyang Facebook post.

Imahe mula sa Facebook account ni Ivan Bruce Ssendege / Public Domain Image

“THIS IS HOW ITS MEANT TO BE. This is how Miami Police met crowds protesting the d*ath of George Floyd and the scourge of racism in America today. This is class. Hats off to the officers in Miami,” ayon sa kaniyang caption.

Natuwa naman ang lahat at nagbigay ng kanilang komento hinggil dito.

“This is the best gesture of the year… this is what should be done.”

“We don’t want this to just end on the silver screen. We want it in practice! Not good enough. But, God bless you all Miami police officers!”

“This is touching! I hope we could be together as one. These police officers should be deployed in every city.”

Nag-ugat ang lahat sa pag-viral ng video kung saan ay nakita ang pangyayari sa pagkasawi ng African American na si George Floyd dahil umano sa coronary artery disease at hypertensive heart disease dahil sa pagkakahuli ni former Minneapolis police officer Derek Chauvi, at pag–ipit sa leeg nito habang nakadapa sa sahig, gamit ang isang tuhod. Inakusahan kasi si Floyd ng isang store employee sa paggamit ng pekeng pera.

Imahe mula sa Facebook account ni Ivan Bruce Ssendege / Public Domain Image

“The incident was recorded on the smartphones of several bystanders and later circulated on social media. The arrest was made after Floyd allegedly attempted to use a $20 bill in a deli, which an employee suspected was counterfeit,” ayon sa mga ulat.