Matapos malamang nakansela ang prom ni yaya, 7-anyos na lalaki, gumawa ng personal prom para sa kanilang dalawa




Larawan mula sa tweet ni Becky Chapman
  • Sinurpresa ng 7-anyos ang kanyang yaya ng isang exclusive prom
  • Kanselado kasi ang prom ni yaya kaya naman to the rescue ang bata para mapasaya ang mahal na tagapag-alaga
  • Pero sa exclusive prom na inihanda ng bata, sumunod pa rin ang dalawa sa physical distancing

Maraming plano ang nakansela dahil sa pandemya. Hindi lamang dito sa Pilipinas kung hindi maging sa ibang panig na rin ng mundo. Isa ang United States sa maraming kas0 ng C0VID-19 sa mundo kaya naman ilang aktibidad roon ang hindi na naituloy.

Maging ang inaabangang prom ng mga high school students sa ilang paaralan ay kanselado na. Isa sa mga nadismaya nang mabalitaang kanselado ang mga prom ay ang senior student na si Rachel Chapman, na isa ring part time nanny sa isang 7-anyos na lalaking si Curtis Rogers.

Larawan mula sa tweet ni Becky Chapman

Malungk0t daw talaga si Rachel nang malaman nitong hindi na niya maisusuot ang kanyang dress para sa pinaghandaang prom sa paaralan sa North Carolina. Ngunit to the rescue naman ang kanyang cute na alagang bulilit para pasayahin ang kanyang pinakamamahal na yaya.

Dahil din sa quarantine, dalawang buwan nang hindi nagkikita si Curtis at kanyang yaya na si Rachel kaya naman naisipan niyang bigyan ito ng surpresa. Agad raw nagplano si Curtis ng isang exclusive prom para sa kanyang yaya.

Ayon sa tweet ng ina ni Rachel na si Becky Chapman, agad raw na tinupad ni Curtis ang kagustuhan ng yaya na magkaroon ng prom kaya naman nag-set up ito ng munting date para sa kanilang dalawa. Pero dahil sa pandemya, may physical distancing pa rin ang dalawa sa kanilang kakaiba pero memorable na prom.

“My daughter has been a nanny for this amazing kid for over a year. When he realized she wouldn’t have a senior prom, he wanted to throw her one. He planned a socially distant prom, complete with dancing and her favorite foods,” pahayag ni Becky sa kanyang tweet.

Larawan mula sa tweet ni Becky Chapman

At para feel na feel nila ang prom nila, isinuot ni Rachel ang kanyang dress at naka-formal attire din ang cute na si Curtis. Hindi naman nabigo ang bata dahil lubos niyang napasaya ang yaya at ngayon ay trending pa siya sa social media.

Maraming netizens naman ang naantig at natuwa sa sweet na si Curtis. Sana lahat daw ng bata ay kasing buti niya lalo na sa mga yaya na tapag-alaga nila kahit hindi naman nila kaano-ano.

Source :

Twitter, Fox